THERE GOES VINCENT.

15 1 0
                                    

Chapter 9

Francine's POV

"Grabe nakakapagod kang habulin Frans. Di ka lumilingon kahit tawagin kita." Hirit ni Vince na hingal na hingal

Vincent David Cortez, 18 years old. Tall, dark, handsome. Yan ang description sa kanya. Yun lang bow. Hehe.

Double meaning ba yon? Oh well. Dahil mabait akong babae... Tsk tsk.

"Kung pagod ka ng habulin ako. Bakit di ka na lang tumigil? Hindi naman pala ko lumilingon." With my partly mean tone.

"Pero lumingon ka naman eh." Sabi ni Vince na napakamot ng ulo.

Ayun, loading parin siya. Mabuti yon. Hindi niya nagets yung gusto kong iparating.

"Sa ngayon, oo kasi narinig kong tinawag mo ko, pero sa totoo lang hindi naman ako lilingon eh lalo na kung ikaw yung tumawag. Tss." Again with my partly mean tone. Ako na bitch. Ewan ko ba kung bakit ako ganto sa kanya. Hek. May reason actually.

"Sorry na. Galit ka pa ba sakin?" -Vince

"Ayy jusko, tuwang tuwa ako no. Ewan ko ba naman sayo Vincent. Nakalipas na ang dalawang taon. Nakaalis na ko papuntang France at nakabalik na ko dito, 50% loading ka parin." Sabi ko

Alam kong Im saying harsh words pero ganto talaga ko pagdating sa kanya. The reason behind, well, soon makukuwento ko din.

"Sorry na, wag ka na magalit. Para sayo pala. Pasalubong ko galing kasi akong Baguio. Kakauwi ko lang." -Vince

Kinuha ko yung paper bag na inabot niya.

Sinilip ko kung anong meron. Ube Jam, lengua de ganto, strawberry Jam, key chain na may engrave ng pangalan ko, crinckles na strawberry and chocolate, rice crisp, pastillas. Yung totoo? Binili niya buong Baguio??

Itong lalaki na talagang to!!! Getting into my nerves!!!

"Diba, dapat ako nagbibigay ng pasalubong sayo? Pero sige para sa ikakatahimik ng kaluluwa mo tatanggapin ko kahit na gusto kong ibalik sayo to. Salamat pa din dito." Sabi ko na lang. Still thankful parin naman ako sa kanya.

May mga times namang mabait ako sa kanya no.

"Nalaman ko sa kaibigan kong bumalik ka na dito eh kasi nakita ka daw niya kasama barkada mo. Kaya ayun, nagmadali akong umuwi." -Vince

"Nagmadali ka talaga ah? Di na dapat. Hinintay mo na lang muna ko umalis makaalis pabalik ng France" sabi ko ng pabulong.

"Ano sabi mo?" Sabi ni Vince.

"Hayy. Bakit ka pa nagabala? Why are you still doing this?" Tanong ko. He never gets tired of me. Kahit na nagmamaldita na ko.

"Hmmm. Baka magulat ka, sa loob ng 4 years, hindi naman nagbago yung pagtingin ko sayo. Hanggang ngayon ikaw parin at gusto kong iprove parin sayo na totoo to." -Vince

Sweet diba? Pero bakit hindi ko magawang matouch sa hirit niya. -.-

"Hmm. Francine, baka magtaka ka rin kung bakit hindi ko pinansin itsura mo. I mean, siguro marami ng nakapagsabi na gumanda ka ngayon, para sakin, maganda ka na sa paningin ko. Kaya hindi na nagbago." -Vince

Bakit bigla kong kinilabutan! Amp. Mean Francine! Very mean!!!!

"Ikaw ba nagpapalakas sakin? Lakas mo makabanat eh?" Sabi ko.

Ito na naman si Prangka/maldita mode ko level 2.o

"Nahuli mo?" -Vince

I rolled my eyes.

Kung hindi ba naman loading. Hayyy. Malamang gets ko. Argh.

"Vince, ilang beses ko bang sasabihin na---" he cut me

"Wala parin? Sanay naman na ko. Pero hayaan mo kong gawin to. Hanggang magsawa ang puso ko." -Vince smiling.

THOSE WORDS!!!! TOTALLY BREAKS. MY. HEART.!!

Bakit kasi kelangan niya pang sabihin yon. Bakit kasi ako pa?!

Ang daming deserving dyan pero iniikot niya mundo niya sakin kahit alam niyang wala naman siyang iniikutan.

"Vincent, alam mo naman pala eh. Why? Why do you always choose to get hurt? Hindi ka pa ba pagod? Kasi ako pagod na pagod na." Pagod na pagod ng masaktan and kahit na ganto ko sa kanya, isa parin siya sa mga rason bakit pinili kong magFrance.

"Di ko din alam kung bakit hindi eh. Pero please. Hayaan mo na muna ako. Nung panahong wala ka nga, hindi nagbago eh. Ngayon pa kayang andito ka na. Hayaan mo muna yung puso ko please?"-Vince

"Still, my answer is No. Alam mo naman yon diba? Your just wasting your time." Sabi ko.

Alam kong masasaktan na naman siya sa mga sinabi ko.

Napatingin siya sa baba.

Will he cry again?

Ilang beses ko na ba napaiyak tong lalaking to?

Tumalikod na lang ako at naglakad na palayo sa kanya. I cant watch him being like this....always.

Im sorry Vincent.

One day, masasabi ko rin yung mga gusto kong sabihin sayo pero sa ngayon, hayaan mo na rin muna ako. :(

To All My Boys.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon