TALK WITH ATE KAI.

15 1 0
                                    

Chapter 8

Francine's POV

"Ate Kai!" Sabi ko pagpasok ng kwarto ni Ate Kai

"Nangyari sayo?" Hirit niya.

Andito ko ngayon sa bahay ni Ate Kai.

"Eh kasi naman. Sinunod ko yung sinabi mong gumawa ng letter. Actually dalawa na nagawa ko. Para kay, you know who. Kaso nawala. Huhuhu!" Sabi ko

"Ngek pano nawala?" -Ate Kai

"Naiwan ko sa table nung magkasama kami ni Brix. Yung isa sa playground. Di ko na nakita." Sabi ko

"Wait wait wait. Did I heard it right? Brix? Nagdate kayo ni Brix?" Tanong niya.

"Hindi no! Nagkita lang kami then tinulungan ko siya bumili ng gift for Isab then kumain lang kami. Yun. Huhu."

"Ohh. Parang date yon parin yon."-Ate Kai

"Hindi nga. Ito talagang si Ate." Hirit ko.

"Ahh basta! Pero baka naman di niya nakuha. Kasi kung nakuha niya magtatanong naman siguro yon no. Ito talaga. Wag praning." Sabi ni Ate Kai.

"Baka nga? Sana. Kung hindi! Huhuhu. Nganga!" Sabi ko na lang.

"Sus. Keri lang yon. At least you have the reason to talk to him. Taray mo girl pagkaganon!"-Ate Kai

"Err." Sabi ko na lang.

"Kung dalawa yung letter nawala mo? Saan yung playground kung saan mo nawala yung isa pang letter?" -Ate Kai

"Dyan sa subdivision." Sabi ko. Napakagat ako ng kuko. Natetense na kasi ako.

"Aba di mo sinabing nagrereminsce ka sa playground. Haha! Anyway, oh. Keri lang kung sa playground. Mga bata kukuha non if ever, di nila magets sulat mo." Sabi ni Ate Kai

"Yun nga nga problema eh, nawala ko yung letter kasi... Nung una nasa drawer ko talaga yon, nung pumunta ko ng playground para kausapin yung new found friend ko sa subd na to, nadala ko sa bag ko... Eh nahulog gamit ko. Baka di ko napulot kasi madilim. Worry ko baka nakuha nung new found friend ko." Sabi ko.

"Eh di tanong na lang natin kay new friend. Sino ba?"-Ate Kai

"Yun nga prob ko eh, nameet ko siya kasi one time, umiyak ako sa playground eh gabi na yon. Tapos, andun siya sa playground, inofferan niya ko ng panyo. Di ko talaga siya kilala kasi madilim. Nung second time na nameet ko na siya. Which is dun din nawala yung letter na isa pa, nagdecide kami na maging unknown stranger kami, so pinangalan ko siyang Hero at ako ang damsel. Yun. Yun yung time na tinatawagan kita pero di ka sumagot. Siya na lang pinuntahan ko." Kwento ko.

"Wow ah, sweet niyo ah. May bago kang love story. Pero anyway, talagang nagtiwala ka don ah. Nako ka girl! Baka naman nawalis ni kuya gardener at hindi nakuha ng hero mo, kasi madilim na rin non eh. Makikita pa ba niya yon. Unless interasado siya sayo." -Ate Kai

"Hindi no! Di nga namin kilala isat isa and sa dilim kami nagkikita no. So para kaming anino lang."

"Mahirap yan eh, madaming nangyayari sa dilim. Tsk tsk. Hahaha!" Pangaasar ni Ate Kai

"Loka!" Hirit ko

"Aba makareact ka ah. Hahaha! Iba iniisip. Ang ibig kong sabihin, ng dahil sa dilim na yan namedt mo siya. Ikaw malisyosa ka! Ganyan ba nagawa ng France sayo? Naging liberated na utak mo? Hahaha!" -Ate Kai

"Grabe tong si Ate Kai, hindi no!" Sabi ko

Nagtawanan kami.

"Well, at least you still got your charms sa boys, Push mo na yang kay Brix. Gwapo, mayaman, may work. Bagay kayo!" -Ate Kai

"Lahat naman ata ng madikit sakin bagay sakin eh." Hirit ko.

"Kung sabagay sakin ka lang naman magmamana ng kagandahan. Hahaha!" Sabi ni Ate Kai.

Nagtawanan na naman kami.

"Or si Mystery Guy, pwede din. Hahaha! Malay mo!" -Ate Kai

"Ate Kai! Baka maawkward ako, nililink mo ko sa kanya, wala naman no." Sabi ko.

"Malay mo? Hehe. Pero syempre ayusin mo muna yung sa ibang boys." -Ate Kai

"Opo. Ito talaga lakas makalink. Hahaha!" Sabi ko.

"Ayy siya nga pala. Si Vince, pumunta dito. Hinahanap ka. Aba naman ang hair mo abot parin hanggang France. Hahaha! Boys around Francine! Hahaha!" Ate Kai

"Ehh." Yan lang nasabi ko.

"Tapos, nakasalubong ko si Uno naglalakad siya pauwi, nagkita daw kayo sa coffee shop na pinagtatrabahuhan niya. See! Iba talaga charms ng isang Francine Rizalde! And then si Migs pa." -Ate Kai

"Ano namang meron kay Migs?" Bakit rinding rindi ako kapag naririnig ko pangalan ni Migs.

"Wala naman. Hehe. Pero kapag may chance tinatanong ka niya sakin. Miss ka na ng mga boys mo." -Ate Kai

"Err. Ayoko na nga silang makita eh. Kung pwede nga lang. Amp."

"Alam mo, kung kinakausap mo na lang sila isa isa. Lahat tayo answers lang hinihintay. Para matapos na to once and for all." -Ate Kai

"Para kasing kapag nagopen up ako sa kanila, binabalik ko yung past. Chaka pano kung inopen up ko yon then move on na sila. Mukha naman akong timang." Sabi ko.

"May point ka. Pero feeling ko kasi may something parin sila sayo." -Ate Kai

"Sige, lets say may something pa si Vince and Uno pero si Migs. I doubt. May Sabielle na siya no." Sabi ko.

"Speaking of. Yung sa inyo ni Migs? Wala na ba talagang feelings?" Tanong ni Ate Kai

"Bat mo biglang natanong yan?"

"Out of curiosity. You never open up the topic about him ever since. We know all the story pero ikaw, you kept your mouth shut sa mga issues." -Ate Kai

"Wala naman akong kelangang iopen up eh. Basta alam kong masaya si Sabie, Im okay with that." I gave her a weak smile.

"Sobrang bait mo talaga Frans. You dont deserve to feel the hurt in the world. But then, saludo ko kasi youve been a strong person. I know that one day, youll find the guy whos worth every hurt you felt." Sabi ni Ate Kai smiling.

"I hope nga." Sabi ko na lang.

"One advice I can give you, start talking to them. Kay Vince, kay Uno. Hindi sapat ang letter lang. You should be talking to them." Ate Kai

"Hayyy. Sige na nga. I will." Sabi ko.

"That's my girl! Balitaan mo ko sa mangyayari ah." -Ate Kai

"Yeah. Una na muna ko dahil gumagawa ka pa ng presentation. So byei!" Sabi ko habang bumebeso na kay Ate Kai.

Lumabas na ko then naglakad na papuntang gate para magpasundo kay Mang Dan.

"Francine!" May tumawag sakin.

I know that voice. Here we go again.

Tumigil ako para humarap sa tumawag sakin.

Tumatakbo siya na parang hinahabol niya ko.

I guess its time to start?

Is this really is it???

To All My Boys.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon