FLY AWAY FROM HIM.

6 1 0
                                    

Chapter 33

Francine's POV

Andito ko sa veranda ngayon.

Mamimiss ko tong lugar na to.

3 months feels like years for me. Ang daming nangyari sa buhay ko.

Di ko napigilang maluha habang nagiisip.

Bakit ba kahit anong gawin ko di mawala sa isip ko si Brix.

"Gising ka pa Iha? Maaga flight mo bukas ah?" -Mommy Belle

Pinahid ko yung luha ko.

Lumapit si Mommy sakin.

"Hayy. Luha ba yan dahil aalis ka na o luha dahil may maiiwan ka dito?" -Mommy Belle

Napatingin ako sa kanya.

"Pinagsasabi mo Mommy? Hugot ba to?" Sabi ko. Kahit na may hugot talaga at natamaan ako.

"Wala naman. Naisip ko lang. Mamimiss kita." -Mommy Belle

"Ako din po." Sabi ko habang yumayakap sa kanya.

"Sige na papasok na ko. Ikaw din." Sabi niya then naglakad na papasok ng bahay pero bigla siyang tumigil at tumingin sakin.

"Sana bago ka umalis ay nasabi mo na lahat lahat para wala kang pagsisihan." -Mommy Bell

Then pumasok na siya.

Sabihin lahat lahat? Pero pano kung wala naman akong halaga sa kanya? Hayyy.

Bahala na.

------
[Airport]

"Bakla di ka na ba mapipigilan?" -Lea

Natawa naman ako.

"Kelan ka babalik Ate?" -Hannah

"Di ko pa alam eh pero pwede niyo naman akong kausapin sa skype." Sabi ko

"Mamimiss kaya namin ikaw." Sabi ni Sabielle

"Sumbong mo kapag niloko ka ni Grey ah." Sabi ko

"Di ko lolokohin tong si Sabie. Baka siya. Hahaha!" -Grey

"Ingat ka Frans." Yakap ni Jazz

"Aww halatang malungkot si Jazz oh. Haha. Mawawala na ang princess natin." -Lea

"Kayo talaga. Mamimiss ko kayo." Sabi ko sabay yakap sa kanilang lahat.

Inayos ko na yung mga maleta ko.

Tinulak na nila Jazz yung yung luggage ko.

Niready ko na yung passport ko at pipila na.

Di ako mapakali, kaya lingon ako ng lingon.

Hinatak ako ni Ate Kai

"Frans, umaasa ka ba na dadating si Prince Charming at pipigilan kang umalis para may happy ending kayo?" -Ate Kai

Ngumiti ako. "Kung pwede sana ganon na lang. Kaso nasa realidad ako. Kahit anong gawin ko, walang Prinsipeng darating." Sabi ko.

Then naghuling paalam na ko at pumasok na sa loob ng airport.

Maya maya nasa airplane na ko.

Kung isang pelikula lang to, sana pinigilan na ko ni Leading Man kaso wala eh.

Unti unti umandar na yung airplane.

Ang sakit sa puso, hindi ko man lang nasabi sa kanya.

I Just need to get over it. As I fly away from him.

To All My Boys.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon