PAIN, PAIN, BRIX WILL TRY TO MAKE YOU GO AWAY.

15 1 0
                                    

Chapter 20

Francine's POV

*calling Sabielle*

Ang aga tumatawag siya?

"Hello?"

"Francine, outing tayo sa Batangas. 3 days kasama kada this weekend game ka?" -Sabie

"Ahh sige sige." Yun na lang sabi ko.

"Okay. See you! Mwahmwah! Bye." -Sabie

Kumakain ako ng breakfast. Sasama ako kay Mommy sa event party na aattenan niya. Sa may amusement park yun kaya magliliwaliw na lang ako.

.

.

.

Amusement Park

Nasa event na si Mommy. Di na ko sumama. Gusto ko lang mapagisa. Nakakadepress ang buhay. Kagabi iyak lang ako ng iyak kaya mugto na naman mata ko.

Ilang beses ko pa ba iiyakan si Migs? Ilang beses kong iiyakan ng patago siya?

Umupo ako sa mga benches. Wala pa masyadong tao. Pinapanuod ko yung mga batang sumakay sa rides.

Buti pa sila, free from al the pains.

Bakit kasi hanggang ngyon apektado parin ako kay Miguel?

Maybe kasi siya lang talaga nagpatibok ng puso ko ng sobra. Maybe kasi everytime I see him Im still wishing na ako parin. Siguro kung tanungin niya kong manliligaw ulit siya baka pumayag ako pero kasi Im concern with Sabie's feelings kaya ayokong maramdaman niyang nasasaktan ako.

"Ang emo naman. Nagsosolo?" May boses ng lalaki ang humirit.

His voice sounds familiar.

Hero?

Parang nagbrighten yung day ko, kaso pagtingin ko sa lalaking nakaupo...

*dugtug dugtug*

"B-brix?" Naibulong ko na lang.

I know Brix is my ultimate crush. Pero crush lang yon, hindi parin mapapalitan sa puso ko si Migs. Minsan nga iniisip ko na baka panakip butas ko lang si Brix para di maghinala mga kaibigan kong may gusto pa ko kay Migs. Pero di ko maintindihan kung bakit pag andyan siya kumakabog puso ko? Kinakabahan o sadyang alam lang ng puso kong crush ko si Brix?

Aish.

"Para kang nakakita ng multo? Okay ka lang Francine?" -Brix

Tinitigan ko lang si Brix. Bakit pakiramdam ko yung boses niya kaboses ni Hero? Pero parang hindi din. Baka gusto ko lang talaga maglabas ng loob kay Hero.

Yung mga mata niya, ang pogi talaga ni Brix.

"Huyy, Francine? Tulala ka? Okay ka lang?" -Brix

Bumalik na ko sa realidad.

"Ha? Ahhh. Oo. Pasensya ka na. Wala ako sa sarili. May iniisip lang. Anong ginagawa mo dito?"

Parang si Brix si Hero, he's here with me at the least expected time.

"Ginawa akong driver nila Isab. Dito sila ng mga friends niya. I have nothing to do. Dapat magcocoffee ako biglang nakita kita so nilapitan kita. Ikaw?" -Brix

"Kasama ko lola ko pero may event siya. Mas pinili ko na lang magstay dito. Alam mo na. Fresh air. Isip isip. Hehe."

"So nageemo ka nga. Why? Anong problema?" Tanong niya.

Umiling lang ako. Namumuo na naman ang mga luha sa mata ko and any minute papatak na ito.

Tinanggal ko yung shades ko then pinunasan ang luha ko.

To All My Boys.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon