Epilogue

91K 3.3K 778
                                    

Graduation Gift

One year later

Cinderella Leona Escalona's

"Dadd!!!"

I was running through the hallway of our second floor. I woke up early that day kasi super excited ako! Announcement ng graduating class ngayon and I just got thr call from my college professor – first thing in the morning – ako raw ang Cum Laude ng batch namin! I am beyond grateful when I heard that! Halos maiyak ako pero pinipigil ko dahil gusto kong malaman muna ni Daddy ang balita para sabay kaming umiyak na dalawa.

"Dadd!" I barged inside my parents' room. Gising na si Mommy. She was combing her hair tapos may kausap siya sa phone, could be any of my Titas. Si Dad naman ay nasa bed pa at natutulog. Sumampa ako sa kama tapos ay nagtatalon hanggang sa magising siya.

"Cindy!" Pagbabawal ni Mommy sa akin. "Anak, act your age. Twenty – one ka na pero ginagawa mo pa rin iyang panggigising sa Daddy mo na para bang nine years old ka pa rin."

"Good morning, Mommy! I have news! Good news! Daddy! Gising na!" Sigaw ko pa habang nagtatalon. Nagmulat ng mata si Daddy at naghikab. Nakasimangot siya dahil siguro sa ingay ko pero okay lang. I finally settled, naupo ako sa tabi niya tapos hinawakan siya sa kamay. "Dadd! Gising ka na diba! May sasabihin ako! Dadd! Dadd! Daddy!"

"What is it?!" Pagalit na wika niya. "Alas ocho pa lang ng umaga, Leona! Nag-iingay ka na!"

"Ih! Excited ako!" Lumabi pa ako. Nakatitig sa akin si Daddy. His eyes suddenly widened.


"You're pregnant!" He screamed. Napatitig si Mommy sa akin. "Ang sabi mo hindi naman kayo magboyfriend ni Orejon tapos nabuntis ka?!"

"Hindi!" Natigilan ako tapos ay natawa. Hindi ko pa rin naman boyfriend si Bruno. Hanggang ngayon nililigawan niya pa rin ako. He's very patient and he's very maalaga. Pakiramdam ko safe ako kapag kasama ko siya kahit mas madalas siyang boplaks kaysa sa akin. He's also very understanding. Inaamin ko namang ultukin ako pero kapag nagkakaganon ako, palagi lang siyang kalmado. Nagtatampo rin si Bruno at siyempre, sinusuyo ko siya.

Masamang nagtatampo ang nagkakaedad baka mahigh blood.

"Dadd! Ano ka ba, kapag magse-sex kami magpapaalam muna ako sa'yo."

"What?!" Si Mommy naman ang sumigaw. "Cindy! Oh my god, Judas, anong pangbe-brainwash ang ginawa mo sa bunso ko?"

"Paano kapag hindi ako pumayag?" Daddy asked.

"Eh di hindi." Lumabi pa ako. Kiss – kiss lang kami ni Boplaks eh. Minsan lumalagpas sa lips, bumababa sa leeg, noong isang beses kaming nanood ng sine, pinahawakan ko sa kanya iyong boobs ko – siya pa nga iyong maarte, aayaw – ayaw pa siya, e di wag kung ayaw niya. Napaka-choosy noon, tanders na kasi.

"Ano bang sasabihin mo?" Medyo umayos na si Daddy ngayon. He sat up. Inalis niya ang ilang hibla ng buhok kong tumatakip sa mukha ko. "Nag-tooth brush ka na ba?"

"Mamaya na kasi! May news nga ako!"

"Ano ba kasi iyon, anak?" Mommy asked.

"Mom, Dad..." I smiled so widely. "I want a car." Sumimangot ang tatay ko. "Price kasi iyon dahil ako ang Cum Laude ng buong batch namin."

"Oh my! Jude, we should celebrate!" Sigaw ni Mommy. Lumipat si Mommy sa kama kung nasaan ako at si Daddy. Hinaplos niya muna ang buhok ko tapos ay niyakap at hinalikan ako. Dad was all smiles.

"I know you can do it, Cub. I'm so proud of you."

"Thank you, Daddy! Bibili mo na ba ako ng kotse?"

GorgeousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon