Challenge # 13

71K 3.8K 886
                                    

Distance

Cindy's

Hindi masaya si Mommy. Hindi nga niya pinapansin si Daddy. Mukhang nagtatampo siya kasi nasunod na naman ang gusto kong mag-travel na lang para sa birthday ko. I sighed. Ayoko naman kasi talaga ng party. Ayokong nagsusuot ng gown, ayokong nakikipag-usap sa mga taong hindi ko kilala. Ganoon kasi iyong nangyari noong 18th birthday ni Belle. Ang escort niya si Bambam – iyong anak ni Tita Arru. Sa Manila Hotel siya nag-birthday. Si Ate Aurora naman, nagparty siya pero sa ampunan. Si Ate Sam, naglayas noong 18th birthday niya kaya wala siyang party, umiyak lang si Mommy tapos si Daddy na-stress.

"Arielle... paabot naman ng ham." Wika ni Daddy. Nakatingin lang ako sa kanya. Si Mommy ay tiningnan lang si Ate Sam tapos, si Ate Sam rin ang nagbigay ng ham kay Daddy. Napabuntong – hininga si Dad.

"Arielle naman..." Napapalatak si Dad. I just watched. "Mahal naman..."


"Ano?" Tumaas ang kilay ni Mommy.

"Anong ikinagagalit mo?"

Mom rolled her eyes.


"Ikaw ang tatay, Jude, pero pagdating diyan sa mga anak mo, napakarupok mo. Ano ba naman iyong ako naman ang pagbigyan ninyong mag-ama sa kagustuhan ko? Ang sakit – sakit na hindi makakapag-debut iyong bunso ko pero pinagbigyan ko kayo sa kagustuhan ninyong magpunta na lang sa Harry Potter na iyon. Wala kang narinig. Noong 19th niya, I was hoping for a party, anong gusto ni Cindy? Leadership seminar! Wala na namang party! Jude, sana ako naman ang pagbigyan ninyo. It's just one night."

"But mom, hindi naman na ako 18." Napalabi ako.

"Exactly." Mommy said. "Sana naman pagbigyan ninyo na ako."

"Okay... wait." Sabi ni Ate Sam. "As the eldest, I will meddle, alright? Bakit hindi na lang tayo mag-meet sa gitna, Mom and Dad, and Cindy? We will give mom the party she had always wanted, tapos magta-travel tayo as a family on Cindy's birthday week? Kahit weekend na lang ganapin iyong party? Ano, is that fine?"

I sighed. Kitang – kita ko iyong panlalaki ng mata ni Mommy habang pinagmamasdan niya kami. I smiled kahit na ayoko pa rin.

"Okay na ba iyon?" Dad asked me. Of course, Daddy loves Mom so much that he will do everything para hindi siya ma-upset.

"Okay..."

"Really?" Mommy exclaimed. "Og my gosh, I will call Mariella now and Leira! This is gonna be fine. Your birthday theme is-"

"Jumanji?" Suggestion lang naman. Naningkit ang mga mata ni Mommy.

"Casanova, masquerade."

"That will do." Wika ko na lang. Masayang – masayang umalis si Mommy. Ni – kiss niya pa si Daddy sa lips bago niya tinawagan ang mga amiga niya. Napabuntong – hininga na lang ako. Dad thanked Ate Sam.

"Kumain ka nang kumain, mamaya susunduin kita para mag-shopping tayo ng pam-Paris ninyong magkakapatid. Isasama natin si Dondon at Ganda. Hindi pa kasi pwede si Belle at Eli. Masyado pang bata si Alonso."

"Nakakainis. Kasama na si Kuya Red, kasama pa si Kuya Don. Diba dapat ako lang ang special sa day ko?"

"Eat." Pinanlakihan pa ako ng mata ni Dad.

"So, Cindy, hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?" Nanunukso si Ate Sam.

"Inggit." Wika ni Dad. Hindi na lang siya pinansin ni Ate.

"Nasa Cebu pa siya, Ate. Saka di ko sure kung boyfriend ko na siya o boyfriend ko lang ba siya kapag nagki-kiss na kami."

"Ilang beses na ba kayong nag-kiss?" Tanong pa ni Ate. Si Daddy ay umubo. Hindi ko rin siya pinansin.

GorgeousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon