Challenge # 19

74.2K 3.5K 599
                                    

Eu Te Amo

Cindy's

Hindi ko na alam kung anong nangyayari. Basta, kinuha ako ni Japet at isinakay sa van kasama si Uncle AJ at Bruno. Wala siyang malay eh. May tama siya sa kaliwang balikat – iyon ang unang tama ng baril niya, tapos sa may kanang braso at iyong pinakahuli at sa tingin kong pinakamalalim ay iyong tama niya sa bandang tagiliran. Doon sobrang lakas ng dugo.

Si Uncle AJ ay iba na rin ang kulay. Parang hindi na nga siya humihinga. Iyak ako nang iyak. Kasalanan lahat ito ni Bruno. Kasalanan ito ng putang ina niyang kapatid.

Hindi nagtagal ay dumating kami sa isang underground warehouse. Located iyon sa isang tunnel na hindi naman kalayuan sa bahay na tinuluyan namin. Tago iyon sa maraming puno, kaya hindi masyadong pansinin. I got out of the car. Si Ate Sam ay sinalubong agada ko.


"What were you thinking?! Halos mamatay na si Mommy sa pag-aalala! Ano ka ba naman, Cindy?! Nagkakagulo na, tinigasan mo pa ang ulo mo!"


"Ate, si Uncle AJ." Napahikbi ako. Nawala ang galit ni Ate Sam lalo nang makita niyang ibinababa na nila Japet at Eli si Uncle AJ mula sa kotse. Nilagpasan kaming dalawa. Habang nakatulala ay naalala ko si Bruno, ganoon na lang ang pag-aalala ko. Nabaril nga pala siya ng tatlong beses.

"He saved Dad and I." Humihikbing wika ko habang pilit siyang ibinababa sa kotse. Si Ate Sam ay hindi mapakali. Mabuti at bumalik na si Eli, siya na ang tumulong sa amin para maibaba si Bruno na hanggang ngayon ay walang malay. Iyak ako nang iyak. Galit ako sa kanya pero nag-aalala naman ako.

I know that the shot was aimed at me. Dad saw it, so that maybe the reason why he wanted to come forward but Bruno got us – despite the fact that he's already bleeding – he managed to save us both.

Si Daddy, nagpaiwan roon sa battlefield – kung tawagin ng ni Japet. Tatapusin lang raw nila at sisiguruhin na wala na talaga saka sila susunod rito. Ayoko pa ngang pumayag pero kailangan kong sumunod kasi nagagalit na siya.

When we got inside that house, nakahiga na si Uncle AJ, kasalukuyan nang naroon si Ate Etang at Ate Aurora. They saw Bruno and Ate Aurora signaled Eli to put him to the bed.

"What happened to him?" Tanong niya pa. "And you are so dead, Cindy! Alalang – alala na si Mommy sa'yo! Bakit ka umalis?"

"Mag-isa lang si Daddy..." Napapagakat labi pa ako. "Wala siyang kasama—"

"Anong napala mo?" Tanong ni Ate Aurora sa akin. Napayuko ako.

"Ano... Ate, marami siyang tama. Boplaks kasi siya." Sabi ko pa na si Bruno ang tinutukoy. Ate shook her head. Yumuko na siya para gamutin si Bruno. Nanonood ako, napapakagat – labi ako. Mayamaya ay biglang nanginig ang katawan ni Bruno.

"Ate... Ate... anong nangyayari?" Napasinghot ako.

"Malalim iyong tama niya rito sa may tagilira, isa pa, marami nang dugong nawala sa kanya. Ano bang nangyari? Bakit pati si Uncle may tama?"

"Uncle AJ is losing so much blood." Wika pa ni Ate Rocheta.

Natataranta na silang dalawa. Ate Aurora looked at Ate Sam.

"Get her out of her. This isn't going to be pretty." Hinatak ako ni Ate Sam palabas kahit na pumapalag ako. Ang hirap naman kasi. Birthday ko pa naman ngayon tapos ganito ang nangyayari? Paano kung mamatay si Uncle AJ at si Bruno at the same time? Hindi na talaga ako magse-celebrate ng birthday because that would be the saddest birthday ever. Ayoko nang ganito.

Nakita ko si Mommy sa may living area, nakatingin sa akin, galit ang expression ng mukha niya, nang makalapit ako ay bigla niya akong sinampal. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat tapos ay inalog – alog ako.

GorgeousWhere stories live. Discover now