Challenge # 17

63.9K 3.2K 598
                                    

El Nino

Cindy's

Hindi ako mapakali. Halos dalawang araw nang nakakulong ang buong pamilya ko sa bahay na ito ni Uncle Ido. Hindi ko rin alam kung kailan sila darating but Kuya Red said that they're going to arrive. Si Daddy ay hindi masyadong nagsasalita, si Mommy naman ay parang walang alam sa nangyayari – well, she knows things, but it doesn't involve the fact that Brandon said the name of Ate Sam's father.

I figured it all out. Hindi ko naman alam na rape victim si Mommy, hindi ko rin alam na half – sister ko lang si Ate Sam, ibinase ko lahat iyon sa reaction ng Tatay ko. Hindi maganda ang pakiramdam ko sa mangyayari. It seems like Brandon and Bruno know things about this family that I don't. Ang akala yata kasi ni Daddy, hindi ako matalino, at hindi ko malalaman ang mga bagay na ito. I am smart – feeling ko nga, ako ang pinakamatalino sa aming magkakapatid. Totoo naman iyon, ako lang ang hindi nagrebelde kay Daddy, lahat sila ginawa iyon. I know better, but knowing all of these, hurts me in a way that I can't even imagine.

"Is everything okay, Judas?" Nagulat ako nang magsalita si Mommy. We were eating breakfast that morning. Kabado ako. Dad likes to keep Mom in the dark – sabagay, pati na rin naman ako. "Ilanga raw ko nang napapansin, napakatahimik mo. May problem aba? Nahuli na ba ang nanakit sa bunso mo?" Hindi pa rin nagsalita si Daddy. Alam ni Mommy na sinampal ako noong isang sumubok na bumaril sa amin ni Bruno.


Speaking of Bruno, nakakulong pa rin silang dalawa ng kakambal niya sa under ground room ng bahay na ito. I am not allowed to talk to him or even see him. Galit si Daddy dahil niloko raw siya ni Bruno. Sapalagay ko ay ganoon nga ang nangyari, now I am having doubts about him. Alam kong si Bruno siya sa mga oras na magkasama kaming dalawa pero ano nga ba ang tunay na dahilan niya sa mga oras na magkasama kami? Was that all for show?

I am being rational about this, ayoko naman kasing magalit sa maling dahilan. I wanna give him the benefit of the doubt but I need to be careful. Ayoko sa lahat ay iyong masasaktan ako dahil lang sa lalaki. Ito rin iyong sinasabi ko kay Daddy noon na gusto ko si Bruno pero hindi ko sigurado kung worth it ba siyang ipaglaban sa pamilya ko. I know that I already have feelings for him, I'm not sure to what extent, pero hinding – hindi ko isasakripisyo ang pamilya ko para sa kanya.

It will always be my family – they are my top priority.

"Wala naman." Dad simply said. "Cindy, mamaya mamasyal kayo ng Mommy mo sa may town side. Isama ninyo si Ate Sam."

"Jude, we need to go home as soon as possible. Alam mo namang may birthday party pa ang anak mo."

"I know that, Arielle. We can post pone it and when we go home, itutuloy na lang."

"Ano?" High – pitched na ang boses ni Mommy. "Naipamigay na ni Yella ang mga invitations! Judas, ano bang nangyayari?" Galit na si Mommy. "Ano, may na-rape na naman ba sa mga anak mo?!" Gigil na siya. Nakakuyom naman ang mga palad ko. Dad kept on signaling Ate Sam to take mom away, tinuturo niya rin ako, ang gusto niya yata ay ayain ko si Mommy palabas ng dining area pero hindi ako gumalaw. I need to know these things. Twenty na ako, kailangan involve na ako sa mga ganitong bagay.

"Dad, ayoko." Sabi ko sa kanya. "May nangyayari naman talaga. Bakit hindi ninyo pa sabihin sa amin? Hindi ko maintindihan. I almost got shot. May humahabol kay Bruno at Brandon na humahabol rin sa inyo. Binanggit nila ang pangalan ni Ate Sam – not specifically but they know about Mom's daughter with that man who raped her."

Napanganga silang lahat. Si Daddy nga ay nakakunot pa ang noo. Hindi yata siya makapaniwala.

"I am mature enough to understand these things. I figured it all out Dad. Hindi naman na ako bata na kailangan pang itago sa dilim. Twenty na ako. Ayokong maging clueless tulad ni Ate Violet, at mas lalong ayokong magrebelde tulad ni Ate Sam, Ate Orang at Belle. I just wanna know things. Tell me. Stop protecting me or mom, because whether you like it or not, cruelty is everywhere."

GorgeousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon