Challenge # 15

68.7K 3.6K 363
                                    

To Belgium with love

Cindy's

I rolled my eyes as I look at Kuya Dondon and Kuya Red taking a picture as if they were the couple in the group. Nasa Eifell tower kami nang umagang iyon, si Ate Ganda at Ate Aurora ay nasa may bench lang at nagkukwentuhan. They were tracking Ate Aurora's baby development. Hindi pa rin nasasabi nila Ate kay Daddy na may baby na siya sa tummy niya. Ate Samsam where beside Mommy and Daddy, she was taking their pictures and it seems like Mommy is already having fun. Kanina sa plane, kahapon sa plane, ayaw niyang ngumiti, parang hindi siya excited, iniisip niya kasi kung sino ang mag-aasikaso ng party ko habang nandito kami. Alam kong nakausap naman na niya si Tita Gina, kaya magiging okay na rin naman ang lahat. She's just too worried that hindi raw makukuha ang essence ng gusto niya, knowing Tita Gina, they will pull it off.

I am admiring the Eifell tower. I had always wanted to come here even when I was a kid. The first time I saw the Eifell on Dad's post card from Uncle Azul, alam ko nang gusto kong makarating dito and I should be having fun, I am. Request ko ito kay Daddy pero sa isipan ko, hindi mawala si Bruno. Kagabi ay magkausap pa kami sa phone pero ngayon, ni isang message ay wala akong natanggap sa kanya. Naisip ko namang baka busy siya o kaya tulog pero hindi ko maiwasang mag-alala kas inga, hindi naman siya nagpapatagal nang ganito.


"You alright, Cub?" Nagulat pa ako nang maupo si Daddy sa aking tabi. I smiled at him.

"Of course, Daddy. Thank you so much for bringing us here." Sabi ko pa sa kanya saka ako humilig sa kanyang balikat. Daddy took my right hand and put it inside his pocket. Medyo malamig nga ang palagid at wala akong dalang gloves. I smiled at Daddy.

"Twenty ka na, pwede ka nang mag-asawa." He said to me. Umingos ako.

"Daddy nga! Mag-aaral pa ako, saka work, saka masters degree tapos bibilhan pa kita ng farm." Tumawa siya. Ginulo niya ang buhok ko. "Saka hindi ko pa rin naman sure kung si Bruno nga ang gusto kong maging asawa. Malay mo sa ibang tao pa ako makipag-sex diba." Napaubo si Daddy. Binibiro ko lang naman siya pero biglang namula ang buong mukha niya at naningkit ang mga mata niya.

"Nag-sex na ba kayo ni Bruno?! Kailan? Noong dinala ka niya sa condo niya?! Isinuko mo na ba ang Bataan?!" Gigil na gigil siya. Feeling ko kung may baril siya ngayon, ikakasa niya iyon at kung nandito si Bruno, babarilin niya iyon. Buti na lang at wala sip utang ina. Natatawa ako kay Daddy.

"Hindi kasi, Dad. Nanood lang kami ng F.R.I.E.N.D.S tapos nauna siyang nakatulog, tapos kamo, Daddy, ang cute niya mag-sleep! Para siyang napito, tapos medyo nakanganga, pinicture ko nga siya." Kinuha ko ang phone ko tapos pinakita ko sa kanya. Si Bruno na tulog ang wallpaper ko. "I really like him Dad. I'm just not sure yet, but I want to thank you for giving this chance, for taking chance at me. I love you, Daddy." Hinalikan ko siya. Dad smiled back. Ginulo na naman niya ang buhok ko. Niyakag na niya akong sumama sa kanila ni Mommy sa pag-picture. Pagkatapos noon, napilitan akong sumama kina Kuya Don at Kuya Red na mag-picture. Kami raw kasi ang mga birthday celebrant.

"Epal ka kamo, Kuya Don, Nagpunta ka pa talaga ng Paris Medyo makapal ang mukha mo. Pangit." Pinanlakihan niya ako ng mga mata.

"Hey!" Pagbabawal sa akin ni Kuya Red. "Baby, birthday niya, don't say bad word." Tatawa – tawa si Kuya Red. Naglakad na kaming pamilya. I like how close Mom and Dad were. Para silang mga teenager habang magkaholding hands na naglalakad sa may gilid namin, si Ate Sam ay picture lang ng picture. Ako naman ay panaka-nakang nagche-check ng phone.

Wala pa rin chat si Bruno. Bakit kaya? Malamang binangungot na iyon. I sighed. Hindi naman ako ganito noon. I can enjoy myself kahit na may pinakiisip ako. Pero ngayon, isip lang ako nang isip kung may ginawa ba akong mali kaya hindi siya nagcha-chat o baka naman nagpapa-miss lang siya sa akin. Bakit naman niya gagawin iyon? Alam naman niyang mami-miss ko nga siya.

GorgeousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon