Challenge # 02

80.6K 3.3K 1.2K
                                    

Gago


Cindy's

Cindy's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


We kept on swimming. I never swam like this in my entire life and I am only nineteen. Hindi naman sa ayoko masyado sa tubig o dagat pero hindi ako katulad ni Mommy at Ate Sam na pwedeng mabuhay sa tubig sa paniniwalang sa past life nila ay mga sirena sila. Gabi at madilim. Wala akong makita at nakakaramdam na ako ng pagod. I can still see Putang ina in front of me. Paminsan – minsan ay nililingon niya ako, itinataas niya iyong hinlalaki niya, maybe he was asking me if I am okay – which I am not – kaya imbes na mag-thumbs up ako ay iniirapan ko siya kahit hindi naman niya ako nakikita o napapansin ang pag-irap ko. Hinihingal na ako at nauuhaw ako pero hindi ako dito mamamatay. Hindi ako titigil sa paglangoy hangga't hindi ako nakararating sa pampang – kahit saang isla man kami mapunta – hindi ako susuko kasi kailangan kong makauwi.

"Hey!" Putang Ina said. Medyo lumapit siya sa akin. Naramdaman kong ipinalupot niya ang braso niya sa baywang ko.

"Hoy! Putang ina ka ha! H'wag mo akong—"

"There's a boat." He said.

"Nasaan?!" Hindi nagtagal ay nakakita ako ng ilaw na palapit sa direksyon namin. Ginaw na ginaw na ako pero nainitan ulit ako nang makita ko iyong palapit na ilaw. "Help! Tulungan ninyo ako! Putang ina, ayan na sila!" Sinabunutan ko siya sa sobrang tuwa. Hindi nagtagal ay nakalapit nga sila. Hindi sila nag-atubili na tulungan kami.

They were a bunch of fishermen. Dad always told me to observe the people I am around. The two men – they were father and son. They are legit fishermen. They have all these tools, they have the gasera, may pack breakfast sila at ang pinaka-nagconfirm ay ang fisherman hands noong isang mama. From where I am, I can smell them. They are legit – ang hindi lang legit dito ay si Putang Ina.

I am looking at him. He has this dangerous vibe. Hindi siya ordinary. I saw how he took the blow from that man who was trying to kill him. Hindi basta – basta iyon, nakatayo pa siya. Napansin kong may tama siya ng bala sa balikat niya. He took off his coat. Kitang – kita ang dugo sa white button shirt niya.

"Fuck." He said. Napansin niyang nakatingin ako sa kanya. "What, Loca?"

"Putang ina, mamamatay tao ka ba?" Tanong ko sa kanya. Napansin kong nakatingin sa aang mag-ama. I smiled at them. "Nagbibiruan lang po kami nitong Kuya ko. Kapatid ko po siya Manong."

"Napaano ba kayong dalawa. Kita mo nga iyang Kuya mo, may tama ng baril. Dadalhin natin siya sa ospital pag sapit natin ng pampang."

"Hindi na po. Malayo naman sa bituka iyan." Wika ko pa. Hindi siya pwedeng madala sa ospital kasi nabaril siya at kapag nabaril ang tao at dinala siya sa ospital, automatic iyon, ire-report ang nangyari sa kanya. GSW isn't a petty thing, from there, mag-i-investigate ang mga pulis, malaking paliwanagan ang mangyayari, kaya hindi talaga pwedeng iospital siya ngayon. But that would be interesting. I wanna know what he is. I wanna know if he's like Kuya Adonis or if he's like Uncle Azul.

GorgeousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon