When I Talk To You

1.1K 80 34
                                    

INAAYOS na ni Raffy ang kanyang bag. Muling sinisilid doon ang ilang mga gamit. Suot na rin niya ang unipormeng pangsundalo.

Kung tutuusin ay hindi pa tapos ang kanyang bakasyon pero pinatawag na siya dahil nagbabanta ang mga rebeldeng grupo sa parteng Mindanao.

Isinasara na niya ang zipper ng bag nang tumunog ang kanyang telepono.

"Hello, Cariaga!" Napangiti siya. "May balita ka na ba?" Naupo siya sa gilid ng kama katabi ng bag niya.

"Oo, Sandoval. Ite-text ko sa 'yo ang detalye." Halata sa tono ng boses ng kausap na masaya rin ito. "Ikaw ha. Sino ba 'tong Kendra Martinez na 'to, ha?" panunukso nito. Tagusan sa kabilang eardrums niya ang malakas na tawa nito. Ngunit hindi na niya iyon pinansin pa.

Ang kaninang ngiti ay agad nang napawi. "Salamat kung gano'n." Napabuntonghininga siya. "Pero parang wala na ring saysay. Paano ko pa siya pupuntahan kung ganitong tinatawag na ako ulit ng tungkulin ko?"

"Ah, sa bagay na 'yan e wala na akong magagawa. Ngayon pang 1st Lieutenant ka na at soon to be a Captain kailangan ka talaga sa opearasyon." Bumuntonghininga rin ito.

Lumipad ang tingin niya sa TV. Naging interasado siya sa ipinapakilalang kalahok at mang-aawit mula sa isang talent show. Natigilan siya at natuon ang atensiyon doon. Hindi na alintana si ang kausap sa kabilang linya.

"Hello! Hello! Cariaga? Mukhang nakita ko na siya. Balikan kita o kaya magkita na lang tayo sa campo. Bye!" Hindi na niya hinintay pang sumagot ang kausap. Agad na niyang ibinaba ang telepono habang ang mga mata ay nakapako sa TV. Ngunit kasabay noon ang tila pagkitid ng hingahan niya nang makilala ang babae sa TV nakasuot lang ito ng plaid shirt na blue and white na tinernuhan ng ripped-knee jeans na black at black boots. Pakiramdam niya ay sumikip ang paligid na nagpahirap sa kanyang huminga lalo nang i-close up ang camera sa babae.

Bago ang pakiramdam na ito sa kanya. Hindi niya ito naramdaman kailanman sa trabaho n'ya.

"Minsan na niyang ipinamalas ang talento ngunit tila hindi pa iyon ang pagkakataon para sa kanya, kaya ngayon heto at siya'y muling nagbabalik dito sa ating Wild Card edition... upang patunayan ang kanyang angking galing. Ladies and gentlemen let's give it up for-- Kendra Martinez!"

Matapos na ipakilala ng female host ang dalaga ay nagpalakpakan ang mga manonood sa loob ng studio.

Mula sa kama ay lumapit siya sa TV. Hindi makapaniwalang sa Television niya pa pala makikita ang babaeng ilang Linggo nang nagpapahirap sa kanya. Sa kalooban niya. Ang babaeng kanyang hinahanap-hanap. Nakatitig siya sa napaka-gandang mukha nito sa TV habang ito ay nakangiti at kumakaway sa mga manunuod.

Isang VTR ang ipinalabas sa screen kasama ang nakaraang performance ni Kendra.

♫Without you

One night alone..

Is like a year without you baby

Do you have a heart of stone

Without you

Can't stop the hurt inside

When love and hate collide.. ♪

Just Knock (Complete & Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon