Sweet Surrender

1K 73 39
                                    

GAMIT ang extra niyang susi ay binuksan ni Raffy ang pintuan ng kanyang unit. Excited siyang makita si Kendra. Pero madilim ang kwarto nang siya ay pumasok. Binuhay niya ang ilaw saka nilibot ng paningin ang kabuuan ng silid.

Wala ang dalaga.

At kung paano niya iniwan ang silid ay gano'ng-ganon pa rin nang ito'y datnan.

Bagsak ang balikat na nilapag niya ang bag sa sahig saka isinara ang pinto. Tinanggal na rin niya ang sombrero bago ibinagsak ang sarili sa kama. Ipinikit niya ang mga mata hanggang siya ay makatulog na.

Lumipas ang isang oras.

Nagising siya sa gano'n pa ring pwesto.

Sa pagmulat ng mata ay hindi maiwasang hindi isipin magandang mukha ni Kendra.

Akala ko nandito s'ya. Akala ko hihintayin niya ako.

Pero ano pa bang magagawa n'ya?Marahil ay magsisimula na naman siyang maghanap.

Naisipan na niyang bumangon. Pinatay muna niya ang ilaw bago sapu ang ulo ay nagtungo na siya ng banyo.

Hinubad niya ang pang-itaas na damit. Napakislot siya. Halata ang iniindang sakit sa katawan.

Kanya na sanang tinatanggal ang botones ng pantalong maong na suot nang makarinig siya ng ingay mula sa labas ng banyo. Napalingon siya sa pintuan at mabilis na nakarating doon. Dahan-dahan naman niya iyong binuksan habang sinisipat ang kabuuan ng silid.

Wala naman kasing mga divider doon kaya mabilis niyang makikita kung may tao sa mini sala, sa bandang kama at sa kitchen.

May kadiliman man dahil nakapatay ang main light kita naman n'ya ang silhouette ng taong kapapasok lang ng pintuan.

Hindi na siya nag-aksaya ng panahon. Matapos na maisara ng sinumang intruder na ito ang pintuan ay mabilis na siyang nakalapit dito.

Ipinaikot niya ang braso sa leeg nito ngunit mabilis ding nirelease nang isang impit na sigaw ang namutawi sa bibig nito.

"Ahh!" habol ang hiningang hiyaw ng sinakal.

Isa itong babae.

Naramdaman ni Raffy ang malambot na katawan nito nang siya ay dumikit dito. At ang height? May kaliitan.

Kendra! sigaw ng isip niya. Lamang ay hindi siya sigurado kaya agad niyang nang binuksan ang ilaw.

"Kendra!" tawag niya rito.

Tila nakabawi naman na si Kendra mula sa kaninang pagsakal dito at nang ito'y mag-angat ng ulo ay mabilis na nagkasalubong ang mga mata nila.

"I'm sorry!" hinging paumanhin ni Raffy.

His chest was thumping heavily. Looking deeply in her eyes he felt his heart would burst out. He misses her badly.

"Bumalik ka na," mamasa-masa ang matang wika ni Kendra.

Until he couldn't take it anymore. He finally succumbed to his desire of being with her.

Just Knock (Complete & Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon