The Battle

1K 74 42
                                    

LULAN ng kanilang pick up truck sina Raffy nang biglang marahas na nagpreno ang driver ng sinasakyan nila gawa ng malakas na pagsabog sa kanilang harapan. Ang ilan sa kanila ay nagtalunan ngunit ang iba ay sadyang tumalsik dahil sa lakas ng nasabing pagsabog.

"Cover...cover...cover!" sigaw ni Captain Bagtis na isa sa mga dali-daling tumalon.

Pilit na nitong hinihila ang driver na kapwa nila sundalo. Wala itong malay at duguan na nakasubsob sa manibela gayon din ang katabi nito sa passenger's seat.

May ilan pang naiwang sugatan sa loob ng kanilang sasakyan at may ilan din na tila wala ng malay.

"Mike... Mike!" sigaw ni Raffy sa kaibigan na pilit n'ya ring hinihila. Isa ito sa mga naiwan sa loob. May malay naman ito pero duguan din. Nais n'ya itong saklolohan pero nagpapakawala na ng mga bala ang mga rebeldeng tumambang sa kanila kaya kailangan n'ya ring mag-kubli.

Pumwesto sila ni Cariaga sa likod ng malalaking bato na nakita nila sa gilid.

Hahanap s'ya ng tiyempo upang sagipin ang mga kasamang nasa loob pa ng sasakyan.

Nagradyo na rin ng back-up ang isa pang kasama n'ya na nakatalong kasabay niya kanina habang kasenyasan naman n'ya ang kanilang kapitan.

Wala pa silang ideya kung ilan sa mga kasama nila ang may tama at ilan ang nasawi. Lalapit pa lamang sana ulit s'ya sa kanilang sasakyan nang may biglang sumabog na naman sa bandang gilid nila gayonman ay mabilis pa rin s'yang naka-abante.

Habang lumalapit ay sige lamang din ang sagot n'ya ng putok sa kalaban at nang s'ya na'y hustong nakalapit sa sasakyan ay sinubukan na n'yang kunin ang mga kasamang naiwan. Sadyang pinilit niyang makalapit habang nakikipagsagutan ng putok sa kalaban.

"Mike!" tawag ni Raffy habang pilit nang inilalagay sa kanyang balikat ang walang malay na kaibigan. Halos mabasag ang salamin nito at nanghihina na.

Nagpaputok si Captain Bagtis at ang dalawa pa nilang kasama bilang pang-cover sa tatlong sundalong sumusunod na ngayon kay Raffy upang tulungan s'ya sa pagkuha sa mga kasamahan sa loob ng sasakyan.

At upang hindi sila maabala sa kanilang ginagawang pagre-rescue ay naghagis naman ng granada si Cariaga sa mga kalaban.

SA kabilang banda naman heto rin at may sariling laban si Kendra na kailangan n'ya ring pagtagumpayan.

Grand Finals na ng sinalihan n'yang contest.

Siya ang tinanghal na Wild Card winner kaya tuloy ang laban n'ya. 

Ngunit, sa hindi malamang kadahilanan ay doble ang kabang nararamdaman niya.

Pilit n'yang pinakakalma ang sarili pero ayaw pa rin kumalma ng puso niya. Paikut-ikot s'ya sa backstage. Panay na rin ang inom ng tubig at ang pagbuntonghininga. Halos nabusog na nga s'ya sa tubig pero walang nangyayari.

Mukhang mahihirapan s'ya nitong kumanta.

Kaya ko 'to! Kaya ko 'to! bulong pa n'ya habang tila nanlalamig na rin s'ya.

"Ladies and gentlemen... Ang Rock Chik ng Cebu let's all welcome-- Kendra Martinez!" Dinig niyang tawag sa pangalan niya.

Tumingala muna siya't nag-sign of the cross saka nag-usal ng dasal bago tinungo ang stage.

Una'y naghiyawan ang mga tao sa pagpasok niya. Pumunta siya sa mic na nakatayo sa gitna.

May kadiliman ang paligid ng stage at nang sandaling mahagip ng spotlight si Kendra ay huminto ang lahat sa pagsigaw.

Tahimik.

Wala kahit anong tunog. Wala kahit anong ingay.

Nangungusap ang mga matang tumingin s'ya sa camera na nasa kanyang harapan bago sinimulan ang performance.

This time, this place

Misused, mistakes

Too long, too late

Who was I to make you wait..

Kinanta n'ya ang mga unang linya ng acapela kaya naman napaka-heartfelt nito.

Makapanindig-balahibo.

At kasabay ng pagbuka ng kanyang bibig ay ang miminsang pagpikit na tila damang-dama n'ya ang pag-awit; ang tunog, ang bawat titik at letra, na para bang ang kanta ay iniaalay niya sa isang tao na bagama't malayo ay naroroon naman sa kanyang puso sa mga oras na iyon.

Dumating sa chorus...

At dito na dumagundong ang buong stadium gawa ng kanyang gitara at drums ng bandang nakatalaga sa kanya. Kasabay ang malakas na hiyawan ng mga tao tila nagliyab ang kabuuan ng studio sa performance niya.

Coz you know..you know..you know..♫

That I love you

I have loved you all along

And I miss you..♪

Napaka-powerful na performance.

Tila ba't ang bawat pagsigaw ay iniaalay n'ya para kay Raffy. Waring alam n'ya at nararamdaman n'ya ang pinagdadaan ng binata.

KARGA na nila ngayon ang mga kasamahang walang malay. Palayo na sila nang makita nila ang granadang pabagsak na sa kinaroroonan nila.

Buhat ni Raffy sa kanyang likuran si Mike nang sipatin niya ang granada na papabagsak na sa kanilang kinaroroonan.

Kendra!

Mahina ngunit puno ng pag-aalala na tinawag niya sa isip ang dalaga kasabay ang napakalakas na pagtibok ng puso niya.

"No... Move! Move! Fasteeeer!" sigaw ni Captain Bagtis na papatakbo na sa kinaroroonan nina Raffy.


THAT I love you, I've loved you all along

And I forgive you, for being away for far too long

So keep breathing 'cause I'm not leaving you anymore..

Believe it, hold on to me, never let me go♪

Tumindi man ang ingay ng mga tao sa paligid n'ya tumindi ring lalo ang kaba sa dibdib n'ya. Kung kailan ba namang patapos na.

Naalala na naman niya si Raffy.

At kasabay nang pagkislap ng kanyang mga mata ay ang paglapat ng palad niya sa kanyang dibdib habang patuloy pa rin sa pag-awit.

Sa labis na pagkatuwa ng mga tao ay napatayo ang mga ito habang pumapalakpak. Hindi alintana ang bumabagabag sa mang-aawit sa mga oras na iyon.

Habang maingay ang paligid at tila may fireworks sa stage ay umusal siya ng panalangin para sa kaligtasan ni Raffy. Pakiramdam niya'y ang kanina pang kaba na nararamdaman ay may kinalaman sa binata.

🔫 🔫 🔫

End of Chapter Fourteen


Just Knock (Complete & Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon