Need To Be Next To You

746 38 4
                                    

Mayamaya pa ay tumayo na si Raffy.

Kitang-kita ni Kendra ang magandang katawan ni Raffy. Noon pa ay man ay batid na niya iyon. Nakita na nga niya ang abs nitong nag-hello sa kanya noon. Pero ngayon lamang niya itong natitigan. May peklat pala ito na parang hiwa ng isang pansaksak sa bandang upper abdomen. At tila ang abs nito ay nilaslas ngayon dahil natatakpan ito ng benda. Malamang ay may sariwa itong sugat na natamo sa huling laban.

Sa wakas ay nagawa ng sikmurain ni Kendra ang kalagayan ng binata. Hindi niya tuloy mapigilan na makaramdam ng awa sa binata. Marahan niyang hinawakan ang peklat nito pagkatapos ay ang bendang may sugat. Hindi siya makahinga. Para bang siya ang nasasaktan sa nakikita niya. Hindi namamalayan napapaluha na naman pala siya.

Gusto sana niyang magdalawang isip kung patuloy na mamahalin ang binata. Natatakot kasi siyang baka bigla na lamang itong mawala sa kanya.

Sobrang sakit no'n.

Paano kung sa susunod ay hindi lamang sugat ang matamo nito? Hindi yata siya handa na mamatayan ng minamahal. Pero kung iiwas naman siya sa binata parang siya naman ang mamamatay.

Siya at ang ang puso niya.

"Tahan na."

Pinunasan ni Raffy ang mga luha niya gamit ang makabilang thumb nito.

"I'm sorry. Hindi mo dapat na nakita."

Magbibihis na sana ang binata nang pigilan ito ni Kendra.

Ngumiti na si Kendra bagaman may iilang butil pa ng luha ang naiwan sa magkabilang pisngi niya.

"Gusto ko lang malaman mo na proud ako sa'yo. You took all those for the love of the country pero mangako ka." Hinila niya paupo si Raffy at tinignan ito sa mata. "Puwede kang masugatan at masaktan pero hindi ka puwedeng mamatay sa laban. Gawin mo dahil bukod sa bayan may iba ka pang minamahal. Tama ba?"

"Para sa'yo, oo. Mahal kita kaya mabubuhay ako. Para sa'yo."

Muli'y tumulo ang masaganang luha buhat sa mga mata ni Kendra. Agad naman na siyang niyakap ni Raffy.

Ilang sandali pa ay pinagmamasdan na ni Kendra si Raffy habang ginagamot ang sariling mga sugat.

"Heto naman. Ikaw na ang maglagay sa likod. Hindi ko na makita e," ang tumalikod nang si Raffy.

Napapikit naman si Kendra nang makita ang malaking sugat sa likod ng binata tila mas malaki kaysa sa sugat nito sa tiyan.

Napamulat na lang s'ya nang biglang magsalita ulit si Raffy na tumatawa pa.

"Ano kaya mo ba?"

"O-oo sige, susubukan ko," nakangusong sagot n'ya habang unti-unting lumalapit upang pahiran ng gamot ang likuran ng binata.

Halos magaling na din naman ang sugat. Kailangan lang laging linisin at pahiran ng gamot upang mas mapabilis pang lalo ang paggaling.

"Ah--aray! Dahan-dahan naman..."

"S-sorry, sorry..."

Sa wakas ay nakontrol na rin niya ang sarili at maingat nang ipinapadaan ang pamahid na gamot sa likod ng binata.

Ibig sabihin ba nito ay unti-unti na rin n'yang natatanggap ang sitwasyon nila ngayon? Na hindi biro ang pinapasok n'yang buhay? Na kailangan maging matapang din s'ya?

Habang ginagamot ni Kendra ang sugat ni Raffy sa likod ay patuloy namang nagkuwento sa nakaraang engkuwentro sa mga rebelde si Raffy.

MAAGAP silang tinulungan ni Captain Bagtis. Mabilis itong lumukso at hinila sila palayo sa papabagsak na granada. Gayunman ay naramdaman pa rin niyang uminit ang likod niya. Ngunit ang kirot na dulot ng pagsabog ng granada ay hindi na niya ininda.

Just Knock (Complete & Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon