Separate Lives

1.1K 81 37
                                    

NAGISING si Kendra na ang mukha ay nakapatong sa kaliwang bisig ni Raffy habang ang kanan ay nakayakap sa kanya.

Dahan-dahan niyang inalis ang kamay nitong nakatabot sa kanyang katawan saka marahan ding ibinaba sa kama. Ngunit bago tuluyang bumangon ay tinitigan muna niya ang  mukha ng binata. Himbing na himbing pa rin ito sa pagtulog. Gusto sana niyong magpaalam o kahit halikan ito sa pisngi pero hindi na lang niya ginawa. Pinili niyang tumayo na lang.

Mahilo-hilo pa siya nang magtungo sa banyo.

Isang oras ang lumipas at si Raffy naman ang nagmulat. Agad nitong hinanap ang katabing babae. Ngunit agad na napabalikwas nang hindi siya makita roon. Agad nitong binuksan ang pinto. Sinipat ang nakapinid na pintuan ni Kendra.

Inisip na lang nitong baka ang dalaga ay nagpapahinga pa. Sinikap nitong balikan ang mga nangyari ng nakaraang gabi.

Napahilamos ito ng mukha. Naupo sa kama habang napapabuntonghininga. Maige at wala naman ngang anumang nangyari. Hindi naman siya mapagsamantalang tao.

Natatawang napahilata ito sa kama habang nag-iisip. Ngunit ilang sandali pa ay napabalikwas din. Dali-dali itong nagtungo sa banyo.

Naalala niya ang ginawa ni Kedra. Ngunit wala na roong bakas ng anumang dumi. Nalinis nang tila lahat ang ebidensiya ng dalaga, na ito rin naman ang lumikha.

Naalala ni Raffy, madaling araw kanina ay nagdududuwal ulit si Kendra. Dali-daling nagpunta ng banyo. Sumunod si Raffy. Hindi na umabot kahit sa lababo kaya nagkalat ang suka sa sahig ng banyo. Hinimas na lang nito ang likod ng dalaga.

Pagkatapos na maginhawahan ay nakatulog na nang mahimbing si Kendra. Sa braso ni Raffy ay inihiga nito ang ulunan ng dalaga habang magkatabi silang nakahiga sa kama.

Magdamang na nasa isip ni Raffy si Kendra ngunit oras ang lumipas, nakakain na siya ng hapunan at lahat ay hindi pa rin mapakali si Raffy.

Walang Kendra na nangungulit rito. Gusto lamang sana nitong kumustahin ang dalaga kaya naman nagtataka itong kahit na anino ay hindi nito nakita. He felt guilty. Iniisip tuloy nito kung may nagawa ba itong hindi maganda kagabi.

Ganunman, may maliit na ngiti ang sumilay sa mga labi nito.

Dalaga!

Ito na ang tingin nito ngayon kay Kendra. Taliwas sa tawag nito sa babae kagabi na bata.

KINABUKASAN.

Plano na sana ni Raffy na puntahan ang dalaga at katukin ang nakapinid na pintuan nito ngunit sa lapag ay may paper bag s'yang nasipa pagkabukas niya ng pintuan.

Kinuha niya iyon at binasa ang note na nasa loob nito.

Ito ang damit na pinahiram mo at 'yun shirt na nadumihan ko. Salamat, Raffy! At sa lahat. Pasensiya ka na sa akin. Medyo pasaway talaga ako kapag malayo sa parents ko. Actually, hindi. Makulit talaga ako nariyan man sila o wala. Salamat sa lahat ng tulong mo sa akin. Take care. Hindi ko alam kung magkikita pa tayo ulit. Pero sana, magkita tayo ulit. At sana ma-miss mo ako. =)

Just Knock (Complete & Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon