Collide

2.1K 95 64
                                    

ISANG sikat na Def Leppard song at may titulong When Love and Hate Collide ang umaalingawngaw sa kabuuan ng kantina ng kampo.

Nanggagaling iyon sa telebisyon na nakasabit sa dingding ng kantina.

Anong giliw at anong ganda ng babaeng kasalukuyang kumakanta. Kung susuriin ay rakistang-rakista ito na tipong nasa paligsahan ng pag-awit. She was wearing white lace top and a black leather skirt, over-the-knee boots and finished it with leather wrap bracelets and a rocker chic makeup.

Ngunit ilan lamang ang dito ay nanonood at sa awit ay sumusunod. Dahil ang mga tao ay kung hindi abala sa pagkain ay abala naman sa pakikipag-usap kay Raffy.

Masayang nagpapaalam ang guwapo at matangkad na sundalong ito sa kanyang mga comrades pagkatapos ng kanilang huling training sa kampo nila sa Zamboanga.

Ang kasiyahan niya'y sinuklian din naman ng mga ito ng mga ngiti at ang ilan pa nga ay tumapik sa kanyang balikat habang ang ilan ay nakipag-fist bump.

Pero ang pinakamalapit sa kanyang si Mike na magbabakasyon naman sa susunod na Linggo ay yumakap pa sa kanya. Naka-reading glasses ito. Guwapo ri't matangos ang ilong pero mas manipis ang katawan sa kanya.

"Ingat, brod," sabi ni Mike. Tinapik na niya ito sa likod saka sila naghiwalay.

Umalis na siya ng kantina, tinungo naman niya ang opisina ng mga opisyal upang magpaalam sa mga ito.

Sa wakas! Pinayagan na siyang mag-leave pagkatapos nang mahigit isang taon.

SUMALUDO s'ya sa kanyang mga opisyal bago matikas na tumalikod sa mga ito. Tinanggal na n'ya ang military cap saka naglakad palayo.

Naghihintay sa kanya sa bukana ng pintuan ng nasabing opisina ang mga kaibigang sumunod pala sa kanya.

"O, bakit nandito kayo?" takang-tanong n'ya.

"Mami-miss ka namin, boy!" Kunwari'y umiiyak ang isang ka-brod n'ya at nagbibirong humahagulgol bago yumakap sa kanya. Nagtanggal ito ng cap. Nakita tuloy ang bunbunan nitong tinakasan na ng buhok.

"Sira ka talaga, Cariaga!" nangingiting saad n'ya. At sila'y nagtawanan.

Ilang sandali pa ay iniabot na sa kanya ni Mike ang kanyang military bag at ang mga ito ay nagpaalam na sa kanya.

Masayang tinahak na niya ang daan palabas ng kampo.

Napatingin s'ya sa kalangitan nang maramdaman ang hangin na parang nakikisimpatiya sa kasiyahan niya. Tila pagbati ang naramdaman niya nang ito ay dumampi sa kanyang balat. Katamtaman na lamang ang init dahil noo'y alas-kuwatro y media na ng hapon.

Raphael "Raffy" A. Sandoval. Binata. Twenty five years old. Strikto at seryoso.

SA kabilang dako ay kasalukuyang nasa isang TV Singing Contest si Kendra. Siya ang kaninang kumakanta sa telebisyon at ngayon nga ay oras na upang mamili sa kanilang dalawa ng kapwa niya contestant ng isang prestihiyosong patimpalak sa TV.

Kahawak kamay ni Kendra ang katunggaling babae na isang biritera. Para na siyang lalamunin ng lupa dahil sa sobrang kaba. Pakiramdam niya'y ang mga paru-paro sa tiyan niya ay lalabas anumang oras sa bibig n'ya. Tila naduduwal siya sa kaba. Kaya kung maari lang sana ay sabihin na ng host ang resulta para matapos na.

"At ang panghuling papasok para sa semi-finals ay si..."

Napapikit si Kendra. Tila ba't may sumulip na butil ng luha sa kanyang kanang mata nang ipikit niya ang mga iyon. She badly needed to win.

Just Knock (Complete & Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon