Chapter 8

745 18 2
                                    

Aki’s POV

 

 

“Twaylem, natatakot ako.” Kahit may mga flashlights na kami, nakakatakot pa rin talaga dito. Eh paano kung biglang maubusan ng battery? Edi mawawalan ng ilaw? Paano kung biglang bumulaga ang killer? Paano namin mad-depensahan ang sarili namin kung masyadong madilim?!

“Aki, huminga ka nga. Wag mong pigilin ang paghinga mo. Yan ikakamatay mo eh.” Diin sa akin ni Ayrienne kaya huminga ako ng maluwag. “Malapit na tayo.” Seryosong sabi ni Kyra. Napapikit ako. Salamat naman malapit na kami sa auditorium.Sabi ko sa sarili ko.

“T-teka..” natigilan kaming sa paglalakad ng huminto rin si Percy sa paglalakad. “Sino Dominic ba yon?” napatingin kami sa tinuro niya. “Dominic!” agad na tumakbo si Twaylem at Ayriene papalapit kay Dominic kaya sumunod na kami. Nakahiga siya sa sahig di kalayuan sa pinto ng auditorium. “Hoy lalaki gumising ka!” naiiyak na sabi ni Ayriene habang niyuyugyog si Dominic.

Dahan daha siyang gumalaw at napadilat. Bigla niyang niyakap ni Ayriene at sa balikat nito umiyak. “Akala ko mawawala ka na sa akin!” napairap na lang ako. Gusto kong mainis dahil napaka dramatic pero kung sa bagay, kahit naman kasi ako hindi ko kayang mawala sa akin ang taong mahal ko.

“Baka gusto niyo nang pumasok kung gusto niyo pang mabuhay.” Seryosong sabi ni Kyra kaya bahagya akong natawa. Tumayo na si Dominic at nagsipasukan na kami sa auditorium. “Teka paano ka pala dyan napunta?” tanong ni Ayriene sa kanya.

“Ang natatandaan ko lang, bago ako mawalan ng malay may humampas sa akin. Hindi ko nakita kung sino.” Naguguluhang sagot ni Dominic. Pagkapasok sa lumang auditorium ay nagkanya kanya kami agad ng pwesto. Umakyat ako sa stage na sira sira na at nahiga.

“Hindi!” bigla kaming lahat napatingin kay Twaylem na nag h-hysterical. Agad siyang nilapitan ni Ayriene. “Anong nagyari best?!” napaiyak bigla si Twaylem at ibinigay kay Ayriene ang cellphone nya. Nakiusyuso na ang iba kaya lumapit na rin ako. Napatakip ako sa bibig ko ng mabasa ko ang mensaheng natanggap ni Twaylem.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now