Epilogue.

807 20 9
                                    

Epilogue:

 

 

 

 

“The end.”

 

Nakangiting tagumpay si Twaylem at isinarado na ang kanyang laptop. Nag unat unat pa ito ng kanyang kamay dahil sa pagod kakatype. “Grabe best ang galing mo sumulat ng script at kwento!” tuwang tuwa na sabi sa kanya ni Ayriene.

“Siyempre. Kailangan nating paghandaan ng bongga ang movie propject natin.” Natatawang sabi nito sa kaibigan. Napalingon silang dalawa ng sabay ng  biglang bumukas ang pinto ng kwarto ni Twaylem at iniluwa nito ang mga kasamahang sina Warren, Drake, Dominic, Percy, Aki, Andrea, Tyron, Anicka, Lorenz, Hailey, Jenna, Joseph at Nicko kasama ang girlfriends nilang sina Tanya at Leslie.

“Anong ginagawa niyo dito?” mataray na tanong ni Twaylem ng pabiro. Natawa lang ang mga kaibigan saka siya dinambahan nito. Hinatak siya agad ng boyfriend at hinalikan sa buhok. “Bawal na bang tulungan ang girlfriend ko sa paggawa ng story at script?” napangiti si twaylem dahil sa sinabi ng binata.

“Tse.” Naglambingan pa silang dalawa bago pinagbabato ng mga chichiryang dala ng mga kaibigan nila. Napairap lang si Andrea saka natawa sa magsyota. Mas malandi pa yata tong dalawa kesa sa akin eh. Sabi niya sa kanyang isip.

“Ay, ano na ang plano? Kailan natin sisimulan ang filming?” tanong ni Aki na kanina pa nguya ng nguya ng kung ano-anong mga pagkain na mapulot ng kamay niya. “Ang takaw mo talagang babae ka.” Pang aasar sa kanya ni Drake. Inirapan niya lang to. “Mahal mo naman.” Sila naman ang pinagbabato ng mga kaibigan nila.

“Pero seryoso kasi, kailan nga?” sulpot ni Twaylem saka naupo sa tabi ng bestfriend na si Ayriene. “Sa Christmas break na lang!” pa-cool na sabi Percy. Nagkatinginan bigla si Twaylem at Ayriene saka nagtawanan. “Yun din ang plano natin sa sinulat ni Tway-tway na story!” tawa tawang sabi ni Ayriene.

“Pero hindi ka naman totoong killer diba babe?” tanong sa kanya ni Warren. Sumeryoso bigla ang mukha ni Twaylem kaya kinabahan silang lahat dahil sa naging reaksyon nito. “T-tubig! N-nabilaukan a-ako!” natawa na lang sila saka dali daling binigyan ng tubig ang dalaga.

“Putspa kayo! Mamamatay na ako pinagtatawanan niyo pa ako! Eh kung patayin ko na lang kaya kayo?!” pagbibiro ni Twaylem. Pinagtawanan lang siya ulit ng barkada. “Wag OA Twaylie, wala pang namamatay dahil nabilaukan.” Natatawang sabat ni Anicka. Inirapan lang siya ni Twaylem.

“Pero hindi ka naman talaga killer diba?” tanong ulit sa kanya ni Warren. Lumapit siya dito. Akala ng binata ay hahalikan na siya ng dalaga pero dumeretso ang labi nito sa kanyang tenga. “Killer ako.” Bigla niyang sinaksak ang binata kaya nagulat lahat. Nakangisi lang si Twaylem sa gulat na gulat na boyfriend.

“Joke!” natatawang sigaw nilang dalawa. ipinakita niya ang hawak na kutsilyo. Isa ito sa mga props na gagamitin pala nila na pag sinaksak mo, maf-fold ang matulis na part at may lalabas na fake blood. Pinagbabato lang sila dahil akala ng barkada ay totoo ngang sinaksak na ni twaylem si Warren saka nagtawanan silang lahat uli.

Pero diba…..some jokes are half meant?

-------

Thank you sa mga nagbasa nagbabasa at magbabasa nitong story ko!

TO GOD BE THE GLORY!

(c) teenpsycho.

Started:September 30, 2014

Ended:October 3, 2014.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now