Chapter 1

1.7K 29 3
                                    

Twaylem’s POV

 

 

 

 

Napangiti ako ng matanggap ko ang text ni Warren, ang boyfriend ko. siya ang leader namin sa group movie project namin. Napag usapan naming isang horror remake ang gagawin namin tutal puro romance at comedy na kasi ang gagawin ng ibang grupo. Napag usapan na rin namin na sisimulan namin ito next week dahil tutal kahapon ang last day ng pasok namin.

“So, anong plano mo for Christmas?” tanong sa akin ni Ayriene. Ipinasok ko na ang phone ko sa bulsa at nilingon si Ayriene na busy sa pag gawa ng mga scripts namin. Dito kami tumambay sa bahay dahil yung iba naman ay nagsipasyalan.

“Hindi ko pa alam. Baka daw kasi hindi maka uwi sila mom.” Napasimangot agad ako. Hindi pa sure kung makakauwi sila dahil nagkaroon daw ng mga problema sa business namin sa States. Lagi namang ganyan eh. Para ngang mas mahalaga pa ang business namin kesa sa akin.

“Wag ka nang malungkot best. Pwede ka namang makicelebrate sa amin eh.” Nakangiting sabi sa akin ni Ayriene. Ngumiti lang ako sa kanya saka ipinagpatuloy na ang paghahanap ng magandang lugar na pwede naming pag shootingan ng movie project namin. “Best, magkano ba yung budget natin para sa lugar?” tanong ko sa kanya.

Ibinigay sa amin ang movie project na to first week pa lang ng pasukan. Ito ang magiging project namin for the whole year and this is can also be our biggest break. Hindi lang kasi ito ipapalabas sa buong school kundi ipapalabas din ito sa ilang theaters sa buong town namin at mga kilalang producers ang mag j-judge ng movie project.

Tsaka talagang pinag ipunan namin at pinaghandaan ang project na to. Inuna lang namin ang budget dahil madali na lang nama planuhin ang iba. Sayang nga lang at may pumatay kila Hailey at Jenna. Speaking of, hanggang ngayon pala hindi pa nahuhuli ang killers.

Sino kaya yon?

“Hindi ka nakikinig bestie eh.” Nabalik ako sa realidad ng hampasin ako ni Ayriene ng unan. “Sabi ko, 12,500 ang budget sa lugar, settings at props.” Tumango na ako at nag scan pa ng iba’t ibang lugar. Natigil ang pag scan ko ng may nag pop sa screen ko na isang message at may link. Clinic ko ito at napunta ako sa isang page.

Horror RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon