Chapter 9

771 15 3
                                    

 Third Person's POV

 

 

Nagising si Tanya na masakit ang ulo. Ang tanging naaalala nya lang bago siya mawalan ng malay ay yung nakakasukang bangkay ni Leslie at ang paglanghap nila ng usok na may kakaibag amoy. Dahan dahan niyang idinilat ang kanyang mga mata at biglang nakaramdam ng kaba dahil sa tumambad sa kanya. Ilang beses pa siyang kumurap pero hindi nawala ang nasa harapan niya. Totoo nga.

Balak niya na sanang gumalaw pero naramdaman niyang may pumipigil sa katawan niya. dahan dahan siyang napayuko at gulat nang makitang may nakapaikot na alambre sa katawan niya. Pilit siyang kumakawala pero naaalog lang ang katawan niya dahil nakasabit pala siya sa kisame.

Inilibot niya ang paningin niya at sisigaw na sana ng tulong ng makita ang kinahantungan ng ibang kasama. Napaiyak na lang siya dahil sa sitwasyong kinalalagyan nila ngayon.

Si Joseph ay nakatali sa isang kahoy na upuan. Napapaligiran ng napakaraming duct tape ang ulo at leeg niya na nagdidikit pa lalo ng katawan niya sa sandalan ng upuan. Punong puno rin ng dugo ang kanyang katawan at may nakasaksak pang dalawang gunting sa magkabilaang gilid ng kanyang pisngi. Nakatali din ang kanyang mga paa gamit ang isang makapal na lubid.

Si Andrea ay nakatali din sa kahoy na upuan pero ang pinagkaiba lang, duct tape ang ginamit sa kanya kaya dikit na dikit din ang buo niyang katawan sa upuan. May nakadikit na duct tape sa bunga nga niya at sa noo niya kaya tanging mata na lang at ilong ang halos kita sa buo niyang mukha.

Si Anicka ay nakahiga lang sa sahig pero nakatali din ngunit nilon naman ang ginamit sa kanya. may nakabaon na kutsilyo sa kanyang binti. Masyadong mahigpit ang pagkakatali ng nilon sa katawan niya na ang iba dito ay lumusot na sa kanyang balat.Nakatahi na rin ang kanyang bibig gamit ang nilon.

“Gising ka na pala?” kinabahan siya ng makita ang isang salarin na nakasuot ng itim na jacket at suot ang nakakakilabot na maskara. “S-sino ka?!” kabadong tanong ni Tanya. Natawa ang salarin at pinaglaruan ang hawak na kutsilyo. “Ang tanga mo talaga. Sa tingin mo sasagutin ko yang tanong mo?” Nilapitan niya ito at hinawakan nag marahas ang magkabilang pisngi ni Tanya.

Horror RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon