Chapter 11

802 18 5
                                    

 

Ayriene’s POV

 

Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang wala na ang bestfriend ko…wala na si Twaylem. Umalis si Warren at walang nagbalak na sundan siya. Ilang oras na lang…mag uumaga na pero masyado pa ring malakas ang ulan sa labas. Kailangan na talaga namin maka alis dito.

“Ayriene, okay ka lang ba?” tanong sa akin ni Percy. “Ikaw kaya mamatayan ng bestfriend magiging okay ka kaya?” naiirita kong tanong sa kanya. Bumuntong hininga lang siya saka iniwan muna ako at pumunta sa iba naming kasama. Hindi ko makita si Dominic wala rin si Drake. Si Aki nakatulog sa tabi ni ate Kyra. Si Nicko at Tyron naninigarilyo  sa may pinto ng auditorium.

Bakit kaya napaka kalmado lang si Kyra? Hindi kaya siya ang nagplano nito? Marami kasing posibilidad na siya ang nagplano or may alam siya sa mga nangyayari dahil unang una pa lang, ayaw niya na kaming pumunta dito.

Napailing ako at napabuntong hininga. Mali tong ginagawa kong pag suspetya sa mga kasama ko. Hindi rin naman kasi imposibleng may serial killer na nananatili sa islang to dahil sa pagiging restricted nito mula dati pa. Tumayo muna ako at lumapit kay ate Kyra.

Magsasalita na sana ako ng tumatakbong papasok si Drake. ”Nawawala si Warren!” basang basa siya at…may dugo sa damit? Nagulat din ako dahil sa hawak niyang kutsilyong may dugo. “D-drake bakit ka may k-kutsilyo?” kinakabahagan kong tanong.

Napabitaw siya sa hawak niyang kutsilyo at napasabunot sa buhok niya at nagtatakbo palabas. S-siya ba ang killer? Pero kung hindi siya, saan niya nakuha ang kutsilyo? Bakit ito may dugo?

“Susundan ko siya!” bakas ang galit sa boses ni Percy nang tumakbo siya palabas. Nabulabog na rin si Aki kaya nagising ito at walang anu-ano’y sinundan si Percy. Napatakbo na rin palabas sina Nicko at Tyron kaya sumunod na rin kami ni Kyra.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now