Chapter 12

765 19 3
                                    

Third Person’s POV

 

 

 

Takbo ng takbo si Nicko upang hanapin ang natitirang mga kasamahan. Nakaramdam siya ng pagod kaya huminto siya sa pagtakbo at napayuko upang habulin ang kanyang hininga. “letse, asan na ba sila?” bigla siyang nakaramdam ng kaba ng may maramdaman siyang presensiya sa likod niya.

Hindi siya gumalaw. Nanatili lang siyang nakatayo habang pinapakiramdaman ang kanyang paligid. Dinig na dinig niya ang sariling tibok ng puso na sa sobrang bilis ay nakakabingi na. Biglang may dumaplis na pana sa mukha niya konting konti na lang sana ay babaon na sa pisngi niya.

Napatakbo siya dahil sa takot. Para siyang nasa isang horror movie pero bigla siyang napaisip, hindi ba nasa horror movie na nga pala talaga siya? Remake nga lang? Iniwas niya na ang pag iisip nun at nagpatuloy sa pagtakbo. Lumiko siya sa isang pasilyo at nakasalubong niya ang salarin kaya bigla siyang nadapa.

Shit. Nasabi niya sa sarili niya. Itinuon na sa kanya ang palasong may pana kaya dali dali siyang tumakbo muli at naiwasan niya nanaman ang pana. Hindi niya na alam kung saan siya pupunta. Mas maliligtas siya kung lalabas siya ng Provident High.

Pero pabalik pa lang siya ay bigla na lang niyang nabangga si Dominic. “Pre tang ina takbo!”naguguluhang tumakbo pasabay sa kanya si Dominic kaya ngayon ay dalawa na sila ang hinahabol ng killer. Nagkahiwalay din sila agad ng tumakbo si Dominic paakyat sa second floor samantalang papunta sa direksyon ng pinto si nicko.

Nakangiti siyang tumatakbo dahil sa wakas ay maabot niya na ang pinto ng may bumaon bigla sa likod niya na matulis na bagay. Dahan dahan siyang napahinto sa pagtakbo ay kinapa kappa ang dibdib niya. Dahan dahan siyang yumuko at nakitang tumagos ang ulo ng pana sa dibdib niya.

Napaubo siya ng dugo at napaluhod. Nilapitan siya ng killer at hinagod hagod pa ang likod bago niya ito tadyakan. Nanghihinang napatingin si nicko sa killer. “W-what the fuck?” pag ubo niyang muli ng dugo. Kumuha ng isang pana ang killer saka ito ibinaon sa ulo ni Nicko na siyang pumutol ng kanyang hininga.

--------

Horror RemakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon