Chapter 13

704 17 0
                                    

Aki’s POV

 

 

 

 

Hindi ko na kayang tumakbo. Napapagod na ako. Gusto ko nang magpahinga. Masyado nang napaka stressful ang mga nangyari simula lang na mapunta kami sa islang to. Nang dahil sa letseng movie project na to, isa isa kaming pinapatay nang kung sino mang demonyo.

 Huminto ako sa pagtakbo at hinabol ang hininga ko. Kinukutuban na ako dahil kanina pa ako takbo ng takbo para hanapin sila pero ni isa wala akong nakakabangga or nakikita. Gusto ko nang bumalik sa auditorium pero something is stopping me from going back there.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko. himala hindi pa nalolowbat? Ginamit ko ito bilang ilaw dahil hindi ko alam kung nasaan na ang dala kong flashlight kani-kanina lang. Patuloy lang ako sa paglalakad ng makita ko si Drake na naglalakad. Ia-approach ko na sana  siya pero nagulat ako sa nakita ko.

May hawak siyang kutsilyo at isang maskara. Iba ang maskarang hawak niya sa maskara na binili namin for this stupid movie project. Yung hawak niya ay nakakakilabot at punong puno ng dugo. Napalingon siya bigla sa akin. “A-Aki!” napaurong ako ng konti ng maglakad siya papalapit sa akin.

“W-wag mo akong lapitan Drake.” Matigas kong sabi kahit masakit ang dibdib ko. Oo wala na kami pero hindi ko naman siguro matatanggap kung all this time, siya lang pala ang pumapatay sa mga kasamahan namin. Mas masakit pa yun kesa sa break up namin kung ganun.

“A-Aki it’s not what you think!” nabitawan niya ang duguang kutsilyo at ang maskara saka naglakad papalapit sa akin pero naglakad akong muli paurong. “Wag mo akong lalapitan pycho-asshole!” sigaw ko sa kanya. Unti unti na akong nilalamon nag alit dahil sa kanya.

“How could you Drake?! Kaibigan natin sila! Kaibigan for fuck’s sake pero nagawa mo silang patayin! Ano isusunod mo na ako?! HA?!” galit kong sigaw sa kanya. Natigilan siya sa paglalakad papunta sa akin. Nagsimula nang magsituluan ang mga luha ko pero wala akong paki. I can’t believe na nagawa niyo ito sa amin, sa akin. He betrayed me!

Horror RemakeWhere stories live. Discover now