Chapter 3

1K 24 3
                                    

Percy’s POV

 

 

 

 

Naayos na ang lights pero hindi pa rin bumabalik si Lorenz. Natapos na namin ang first two scenes pero hindi pa rin siya nakakabalik. Gusto ko na sanang sabihin kay Kyra kaso baka kung anu-ano ang pumasok sa isip nun. Kanina kasi nung kinausap ko siya, tila kinakabahan siya. Kinukutuban daw siya na may hindi magandang mangyayari sa pagpunta namin dito.

Tinawag ko si Tyron, ang kaibigan ni Lorenz para hanapin ito. Sinabihan ko na rin siyang wag ipahalata na hinahanap niya si Lorenz. Kinuha niya ang isang flashlight at lumabas na muna ng old library na kinalalagyan namin ngayon. Mabuti na lang talaga at kasama si Kyra. Ngayong nalaman ko na siya ang nagsulat nga rticles tungkol sa Slaughter High, tuwang tuwa ako dahil atleast may makakatulong sa amin sa ibang scenes.

Ang next naming scene na is-shoot ay yung naalala ni Parker yung nangyari kay Eliza sa library kaya nadirito kami ngayon. Inaayos ng iba ang pagkaka set ng lugar ng mag vibrate ang phone ko. Buti na lang talaga kahit malayo kami sa city atleast may konting signal pa dito.

Dati daw kasi, sabi ni Kyra, wala talagang signal dito. Hindi ko nga alam kung bakit pati yun alam niya. binasa ko ang mensaheng pinadala ni Tyron. Wala si Lorenz sa basement. Saan kaya nagpunta ang ugok na yon? Gabi na tsaka madilim.

“Percy.” Napatingin ako kay Kyra na namumutla. “Anong problema Ky, may sakit ka ba?” tanong ko sa kaya. Naupo siya sa tabi ko at napayuko. “Wala. Ang sama lang ng kutob ko. Kanina ko pa napapansin na wala yung Lorenz, asan na siya? Hindi pa ba siya bumabalik?” nag aalala niyang tanong kaya bigla akong kinabahan.

“H-hindi. May tinignan lang siya.” Pagsisinungaling ko. Tumayo na ako at sinabihan ang ibang simulan na ulit ang shooting. Nag simula na silang mag acting. Buti na lang talaga sila ang mga kasamahan ko. Hindi ako nagkamali sa pagbigay ng kani-kanilang gaganapan. Kahit kanina lang nila nabasa ang scripts at ang kwento nakaya nilang ganapan ng maigi ang bawat character.

“Twaylem, lagyan mo pa ng konting emosyon para maramdaman ng manonood ang guilt na nararamdaman ni Parker.” Tila propesyonal na sabi sa kanya in Kyra. Tumango lang ito at ngumiti. 20 scenes lahat at kakatapos lang naming ishoot ang 3rd scene.

Horror RemakeWhere stories live. Discover now