Chapter 17.3

7.7K 222 25
                                    

(due to insistent public demand (chos!), here's one more chapter. Dig in, guys!)


MABIBILIS ang mga hakbang na tinungo ni Jackie ang direksyon ng Diestro Hardware and Construction Supply. Sa kabila siya inihatid ni Gary pero ayon kay Tita May ay nasa tindahan daw si Yael. Gusto daw kasing makita ni Mr. Chua ang mga pinapa-fabricate nitong steel trusses.

Kararating lang ni Jackie galing ng Maynila. Pagdating niya kanina ay nadatnan niyang nakatayo sa may porch ng bahay nila ang mga magulang niya, mga kaibigan at mga kamag-anak. May hawak-hawak ang mga ito na tarpaulin na may nakasulat na "We are proud of you, Jackie!"

Siyempre pa, si Yael ang unang hinanap niya pero wala ito. Halatang nagulat ang lahat sa pagbanggit niya sa pangalan ni Yael. Hindi naman nagtanong ang mga ito, kaya hindi rin siya nagpaliwanag. Pero hindi naman maikakaila na natuwa ang lahat.

Ayon kay Gary ay may meeting lang daw si Yael at si Mr. Chua. Susunod daw ito. Pero natapos na ang party at nag-uuwian na ang lahat ay wala pa rin ni anino ni Yael. Kaya nang magpaalam si Gary at Lira ay sumama na si Jackie.

At ngayon nga ay ilang metro na lang ang layo niya kay Yael.

Dahan-dahang pumasok si Jackie sa tindahan. Napangiti siya nang makita niya si Yael na nakaupo sa lumang swivel chair ng daddy nito. Mag-isa ito. Nakapikit ito habang prenteng nakasandal sa upuan. Nakataas pa ang magkasalikop na mga sakong nito sa lamesa.

Pero sigurado siyang hindi ito tulog. Niyuyugyog kasi nito ang upuan.

Pinigilan ni Jackie ang sariling sugurin ito ng yakap. "Pabili po ng pako," aniya.

Nagmulat si Yael. Ibinaba nito ang mga paa nito. "Hey, there gorgeous," anito. Ngumiti ito. Lumapit ito sa kanya at agad siya nitong niyakap nang mahigpit. "I missed you so much..."

"I missed you , too, Yael..."

Bahagya siya nitong inilayo bago dinampian ng mabilis na halik ang labi niya. "Sumabay ka kina Lira?"

"Oo."

Tumango si Yael pero hindi ito nagsalita.

"Okay ka lang ba, Yael?"

"Pagod lang. Pero dahil nandito ka na, okay na ako."

Lumabi si Jackie pero hinaplos niya ang pisngi ni Yael. "Sinabi naman ni Gary na medyo mali-late ka lang daw. Pero hindi ako mapakali. Siguro sobra lang kitang na-miss."

Ngumiti si Yael.

Napakunot ng noo ni Jackie. Yael was smiling alright. Pero malungkot ang ngiti nito

"May problema sa project?"

Umiling si Yael. "May kasalanan ako."

Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso ni Jackie. "A-ano?"

"Balak ko kasing mamaya na lang pumunta sa inyo. Kapag tapos na ang party."

Kumunot ang noo ni Jackie. "Kasi?"

"Baka kasi maiyak ako do'n. Masisira ang image ko." Bahagya itong tumawa.

Tiningnan niya si Yael nang pailalim. "Kasi aalis ako?"

Ngumiti ito. "Magsisinungaling naman ako, babe, kapag sinabi ko na hindi ako nalulungkot. Minu-minuto siguro akong malulungkot pag-alis mo. Pero hindi rin naman ako magiging masaya kung ipagkakait ko sa 'yo ang isang bagay na alam kong gustung-gusto mo."

Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now