Chapter 19.4

9.4K 273 64
                                    

Kaya pa ang sunud-sunod na update, friends?

*********

"HE was barely conscious when the rescue team brought him to the ER," wika kay Jackie ng attending physician. "But based on my initial assessment, I can say it was only because of the pain from the fractures. Lucid naman kasi siya. Nasasagot niya ang mga tanong ko. Binigyan siya ng painkillers kaya nakatulog uli pagkatapos ng CT scan."

Tumango si Jackie. Based on the X-Ray results, Yael had a fractured rib aside from the obvious knee injury. Alam niyang mahirap talagang huminga ng malalim kapag may bali sa ribs kaya siguro halos mawalan ng malay si Yael. Pero nakahinga siya nang maluwag na maganda ang resulta ng CT scan. There was neither blood clot nor hemorrhage.

Tulog si Yael nang dumating si Jackie. Maliban sa paghaplos sa mukha ni Yael at bahagyang paghalik sa pisngi nito ay wala siyang ibang magawa. Ni hindi siya makaiyak. Pero parang sasabog ang dibdib niya sa nakitang kalagayan ni Yael. There were cuts and bruises on his face and arms. Sa ilang taon na rin ni Jackie sa propesyon niya, kahit papaano ay natutunan na niya kung paano kontrolin ang emosyon. Pero iba pala kapag importante sa kanya ang nasa bingit ng kamatayan. Ni hindi na malinaw sa kanya kung paano sila nakarating ng ospital.

Ayon sa nakausap ni Jackie na pulis kanina, binabagtas daw ni Yael ang Mindanao Avenue nang biglang mawalan ng giya ang cement mixer sa likuran nito. Sinalpok nito ang likuran ng pick-up na umikot ng tatlong beses bago sumalpok sa concrete barrier. Milagro daw na nailabas pa nang buhay si Yael.

"Ang iaayos na lang natin ngayon ay ang fractures," wika ng doktor. "You very well know that broken rib can cause complications if not addressed ASAP. The staff will ask you to sign some papers and-"

"Of course," aniya. Hindi na niya pinatapos pa ang sasabihin nito. Baka hindi niya mapanindigan ang pagsisinungaling. Alam niyang wala siyang karapatang magbigay ng consent sa kahit na anong bagay pagdating kay Yael. Pero hindi niya kayang panoorin lang ito.

Naipagpasalamat niyang hindi na siya hiningan ng hospital staff ng ID. Naniwala na ang mga ito sa kanya lalo na nang sabihin niyang doktor siya. Isa pa, asawa lang, maliban sa kapamilya ang nakakaalam ng lahat ng impormasyon na isinulat niya sa info sheet na pina-fill-up-an ng mga ito. Mabuti na lang at tsismosa si Lira kaya alam niya na na-dengue si Yael tatlong taon na ang nakakaraan at iyon ang una at huling beses na na-admit ito.

Noon niya naalala na hindi pa nga pala niya nasasabihan ang mga magulang ni Yael. Sa sobrang taranta niya ay nakalimutan niya.

Pero alam niyang hindi puwedeng ang mga magulang nito ang tawagan niya. Kaya si Gary ang tinawagan niya. Pero naka-off iyon. Wala na siyang choice kaya kahit alam niyang nerbyosa din si Lira ay pinindot na niya ang numero nito.

Matagal na nag-ring iyon bago sinagot ni Lira. "Girl," anito. Halata sa boses nito na kakagising lang nito.

"Lira-"

"Ang aga mo yata nagising. Excited?" tumawa pa ito.

Napalunok si Jackie. "Nasa ospital si Yael, Lira. There's been an accident and-"

Parang nakikita niya ang pagbalikwas nito sa kama. "What? Where? Manila?" sigaw ni Lira. "Is he... oh, my, God. Is he-" Histerikal na ang boses nito.

Sinabi niya ang nangyari.

"Oh, no..." angil ni Lira. Ang sumunod na narinig niya ay ang pagtawag na nito sa mga magulang nito.

Ang sumunod na niyang narinig ay ang boses ni Tito Carlos. "Jackie, kumusta siya, anak?"

She could hear the agony in his voice. Alam niyang hindi siya puwedeng magpakita ng panghihina ng loob sa mga ito. Magpa-panic ang mga ito.

"Ooperahan siya sa mga bali niya, Tito."

"That's good news, right?"

"Considering the pick-up was a total wreck? Yes Tito, I'd say it's a miracle."

"Salamat sa Diyos," anito.

Hindi na lang niya sinabi dito ang takot niya. Ayaw niyang masyado itong mag-alala. Sa kahit anong operasyon lagi pa ring may kaakibat na panganib. Posibleng magkamali ang anaesthesiologist at sumobra ang maibigay nitong anaesthesia at hindi na magising si Yael. Posibleng-

Umiling siya. Ayaw niyang isipin. Baka ikabaliw niya. "I just want you to know that I'm taking full responsibility. Kapag po may nangyari kay Yael sa surgery, tatanggapin ko po kung sisisihin n'yo ako."

"Ano bang sinasabi mo, bata ka?"

"Wala po akong karapatan na magbigay ng consent para operahan siya pero pumirma pa rin po ako."

"Huwag mong sabihin 'yan, Jackie," wika ni Tito Carlos. "You have all the right. Kung gaano kaimportante sa amin si Yael alam kong ganoon din siya kaimportante sa 'yo. Tama naman ako, hindi ba?"

Lumunok siya. "Opo."

"O, eh ano'ng problema?"

Hindi siya makasagot.

"Jackie? Ayos ka lang ba?"

"Natatakot po ako," amin niya.

"Mayabang 'yan," anito. "Nagpapapansin lang 'yan."

Sa ibang pagkakataon siguro ay napangiti na siya sa sinabi nitong iyon. Pero takot na takot siya. Napakabigat ng dibdib niya.

Because Almost is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon