chapter 20.1

7K 201 28
                                    

DAHIL wala na namang ibang puwedeng gawin si Jackie kundi ang maghintay ay sa cafeteria ng ospital na lang siya nagpalipas ng oras. Ayaw siyang iwan ni Doc Lei kanina pero pinilit na niya itong umuwi. Nakakahiya din naman kasi.

Binuksan ni Jackie ang tote bag niya. Pero nang akmang ilalabas na niya ang iPad niya ay naagaw ng clutch bag ni Yael ang atensyon niya. Nang magpakilala siya kanina ay iniabot iyon ng mga nurse sa kanya, kasama ang iba pang gamit ni Yael.

She debated with herself whether to open it or not. Hindi naman niya malalaman kung may nawawala dahil hindi naman niya alam ang talagang laman n'yon.

Pero paano kung may kumuha sa wallet ni Yael? Kaya binuksan ni Jackie ang clutch bag. The wallet was there alright. May isang bundle pa ng tig-iisanlibo. Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti na lang at walang nagkainteres na kumuha iyon. Pero natigilan siya. Paano kung dalawang bundle pala iyon?

Binuklat niya ang wallet. Nandoon ang driver's license nito. May dalawang ATM card at dalawang credit card siyang nakita. Kailangang tawagan niya si Lira o kaya ay si Tita May para malaman niya kung ilang card mayroon si Yael. Para kung sakaling may nawawala ay mai-report agad iyon sa bangko. Isasara na sana niya ang wallet nang malaglag ang isang ID kasama ang ilan pang mga resibo. Agad niyang pinulot iyon.

Napangiti siya. ID iyon ni Yael sa pinakaunang trabaho nito noon. Batang-bata pa ito sa picture na iyon.

Nang baliktarin ni Jackie ang ID, naramdaman na lang niyang nag-init na ang sulok ng mga mata niya. Jacqueline D. Diestro ang nakalagay na person to contact in case of emergency. Naka-specify pa doon na spouse siya. Iba na nga lang ang phone number niya doon.

After all these years, itinago iyon ni Yael. Suminghot si Jackie pero tuluyan nang namalisbis ang mga luha niya. Muli niyang binaliktad ang ID at tinitigan ang mukha ni Yael.

It was the Yael she was married to. Kanyang-kanya ito noon. At proud na proud ito noon na asawa siya nito.

Pero hindi maiiwasan na balang-araw muling mag-aasawa si Yael. Yael would someday be somebody else's husband. Itatapon na rin nito ang ID na hawak niya at pangalan na ng bagong asawa nito ang ilalagay nito na dapat tawagan kapag may masamang nangyari dito.

Dapat ikatuwa iyon ni Jackie. Wala nang mangi-istorbo sa kanya sa mga importanteng bagay na gagawin niya katulad ng pagi-empake ng mga gamit na dadalhin sa Amerika. Pero bakit parang pinipiga ang puso niya sa isipin na iyon?

Napalunok siya.

Inayos na niya ang mga gamit ni Yael at tumayo na siya. Sa chapel na ng ospital siya maghihintay.

Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now