Chapter 20.2

7K 262 26
                                    

Ayan, maga-update na ako ha?

Kaya help n'yo na ako dun sa bago kong novel dito na The Widow's Peak

Salamat!

****************************************************

PUTING dingding ang bumungad kay Yael nang magmulat siya. For a moment he was disoriented. Pero sa sandaling kumurap siya ay bumalik na sa alaala niya ang nangyari. Naaksidente siya. Kaya ngayon ay nasa ospital siya.

May benda sa tuhod ni Yael at masakit ang tagiliran niya pero labis niyang ikinatuwa iyon. He could feel pain. Ibig sabihin, buhay siya.

Kung ilang oras na siya sa ospital ay wala siyang ideya. Pero sigurado siya na medyo matagal-tagal na. Ang unang pumasok sa isip niya ay si Jac. Pero baka sa mga oras na 'to ay malayo na ito.

Huhugot sana siya ng malalim na hininga pero napaigik siya. Agad niyang sinapo ang tagiliran niya. Mariin siyang napapikit.

Awtomatikong napamulat si Yael at tumingin sa kanan nang marinig niyang may bumukas na pintuan. Narinig niya ang mahihinang yabag.

At ganoon na lang ang gulat niya nang makita kung sino ang dumating.

It was Jac.

"Hey..." wika ni Jac. Ibinaba nito ang bag nito.

Maang na napatitig siya dito. Imposible. Marahil ay epekto pa rin ng mga gamot ang mga nakikita niya. Hindi garantya na nagsasalita si Jac. Kahit sa panaginip niya habang nasa Emergency Room siya ay nagsasalita ito. Hinalikan pa nga siya nito. At ngayon ay muli na naman niya itong nabubuhay sa balintataw niya.

*************

Pa-follow na muna bago ko ituloy. hehehe...

Because Almost is Never EnoughWhere stories live. Discover now