Chapter 20.3

14.2K 450 158
                                    

Pero lumapit si Jac sa kanya. Dinama nito ang leeg niya. "Sandali, tatawag lang ako ng nurse."

            Ganoon na lang ang bilis ng tibok ng puso ni Yael. Kumurap siya. Kung imahinasyon lang niya ito, hindi niya mararamdaman ang init ng kamay ni Jac.

            May pinindot si Jac sa may ulunan ni Yael at nagsalita. Nang masabi nito sa kausap nito na gising na siya ay umupo ito sa gilid ng kama niya.

Lumunok si Yael. "You're here," bulong niya.

            Sumimangot ito. "Kaninang madaling-araw pa kaya."

Bago pa muling makapagsalita si Yael ay pumasok ang nurse. Pagkatapos nitong kunin ang vital signs niya ay lumabas na rin ito.

            Tumingin si Yael kay Jac. Bahagya siyang ngumiti. "Paano mo nalaman na-"

            "Tinawagan ako ng ospital."

            Kumunot ang noo ni Yael. "Bakit ikaw ang tinawagan nila?"

            "Bakit walang passcode ang iPhone mo?" tanong ni Jac sa halip na sagutin ang tanong niya.

            "Lagi kasing pinapakialaman ni Kenji. Nadi-disable. Kaya tinanggal ko na lang ang passcode. Doon nila nakita ang number mo?"

            Tumango si Jac. "X-wifey, ha?"

            Napangiwi si Yael.

"Kahit no'ng naging tayo uli nitong nakaraang buwan 'x-wifey' pa rin ang nasa contacts mo?"

"'Pag pinindot ko kasi ang letter X ikaw ang lalabas," paliwanag niya. "Mas madali kaysa sa dalawang A. Akala siguro n'ong tumawag parang asterisk 'yong X."

"So, parang special ako, ganoon?"

Nginitian niya ito. "You know you are."

Lumabi si Jac. "Bali-bali ka na bolero ka pa," anito. "Pero ang hindi ko maintindihan, bakit number ko ang nasa unahan ng recent calls mo? Eh, wala naman akong natatandaan na tinawagan mo ako."

            "That was a few minutes before the accident," aniya. Tatawagan sana niya si Jac pero pinatay niya iyon bago nag-ring. Naisip niyang baka lalo itong mainis sa kanya kapag inistorbo niya ang tulog nito.

            Pinandilatan siya ni Jac. "Kaya ka naaksidente dahil nagsi-cellphone ka?"

            Umiling siya. "No," aniya. Ikinuwento niya dito ang naaalala niya sa nangyari. Madaling araw kaya maluwag ang kalsada. He would have to admit he was driving faster than usual. Kaya nang banggain siya ng cement mixer ay nagpaikut-ikot siya. Kung ilang ikot, hindi na niya alam. "Nakausap mo na sina Dad?"

"Paluwas na sila," anito. "Hindi rin pala nila alam na lumuwas ka?"

"Last minute kasi ang desisyon ko na puntahan ka. Hindi na ako nakapagpaalam."

"Pupuntahan mo ako?"

"Saan naman sa tingin mo ako pupunta?"

"Malay ko ba kung may date ka dito."

"Nasa San Joaquin si Leslie 'di ba?"

Hindi sumagot si Jac.

"Hindi kasi ako makakapayag na umalis ka nang may samaan tayo ng loob, Jac."

Lumunok si Jac. "Bakit ka pa kasi lumuwas? Puwede ka naman sanang tumawag na lang."

Hindi na napigilan ni Yael ang mapangiti. Sa kabila ng sakit ng katawan niya ay napakagaan ng pakiramdam niya. Jac was here. At iyon ang mahalaga. "Hindi naman kasi kita masi-seduce sa telepono."

Because Almost is Never EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon