Chapter Twenty

407K 8.2K 362
                                    

TWENTY

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Sasabunutan ko talaga 'yong Ravis na 'yon! Kadarating mo nga lang galing America, inaaway ka na naman?!" Inis na inis na sabi ni Din kay Jeorge. Nalaman ko kasi kanina kay Din nang sunduin ako nito sa bahay na dumating na galing ibang bansa si Jeorge matapos ang bakasyon nito roon. Matalik din naming siyang kaibigan simula pagkabata. Nakilala ko naman siya dahil na rin sa kanila.

"It's normal for him, hindi kasi ako nagsabi na uuwi ako kaya nagalit." Sabi naman ni Jeorge kay Din sabay inom sa frappe nito. Hindi ko naman napigilan ang hindi mapatawa ng mahina dahil sa inaasal ni Din. Ayaw n'ya kasing mayroong masasaktan sa amin dahil napagdaanan na niya 'yon.

"Hayaan n'yo na lang sila, may araw din sa atin 'yang mga lalaking 'yan." Saad naman ni Felice. Nandito kami ngayon sa isang Starbucks sa may Dasmariñas at napagpasyahan naming magkita-kita. Mamaya pa makakarating si Rissa dahil mayroon pa siyang klase.

"Kamusta naman doon? Did you find some attractive guys there?" Nakangiting tanong ni Din kay Jeorge.

"Wala." Bored na sagot ni Jeorge kay Din.

"Tinanong mo pa 'yan, eh loyal 'yan kay Ravis. Kahit aso't pusa 'yang dalawang 'yan mahal pa rin nila ang isa't-isa." Sabi naman bigla ni Felice. Nakita ko naman ang pamumula bigla ng mukha ni Jeorge.

"Ikaw? Kamusta na kayo ni Allen?" Tanong ko kay Din. Pero kagaya ni Jeorge, nag-iwas din ito ng tingin at hindi rin nakalagpas sa mga mata ko ang pamumula ng mukha n'ya.

"Di natahimik kayong dalawa?" Sabi ko sa kanila. Sumimangot lang silang dalawa.

"Ano ba gusto n'yong gawin ngayon?" Basag ni Felice sa katahimikan.

"Bakit hindi tayo maghanap ng gift para sa kambal? This weekend na ang birthday ng mga 'yon." Sabi ni Din. Sumang-ayon naman ako sa sinabi niya. Wala pa kasi akong maisip na mairegalo kay Axcel at kay Aivan.

"Oo nga, aattend ka ba? Sa Rancho ang celebration ng birthday nila." Sabi ni Din kay Jeorge.

"Malamang, di nagalit sa akin 'yong Ravis na 'yon. Kaya nga kami nag-away dahil din sa sinabi ko sa kanya na baka hindi ako makapunta sa birthday ng kambal. Ayon, nagalit at inaway ako." Sabi n'ya. Bigla naman akong natigilan.

"Nililigawan ka ba ni Ravis?" Tanong ko.

"Hindi." Kaswal at diretso n'yang sagot. Simula kasi pagkabata, sila na laging magkasama at lagi rin silang nag-aaway. Buti na lang at mahaba ang pasensya ni Jeorge kay Ravis kaya kayang-kaya n'yang i-handle ang ugali nito.

"Sus, doon na rin naman ang punta n'yong dalawa. Sa ating lima ata, si Heena lang ang mayroong magandang love life." Saad ni Din. Bigla naman akong natigilan sa sinabi n'ya. Wala silang alam, kahit sino sa kanila walang alam sa takbo ng relasyon namin ni Axcel. Kami lang dalawa ang may alam na hindi kami parehong seryoso sa engagement.

Biglang tumunog ang cellphone ni Jeorge at agad n'ya iyong sinagot sa harap namin. Naka-loud speaker din iyon kaya rinig namin kung sino ang tumawag.

"Nasaan ka?" Walang dudang boses iyon ni Travis.

"Mall, why?" Sagot naman ni Jeorge. Nakatingin lang kaming tatlo sa kanya habang umiinom sa frappe namin.

"Sino'ng kasama mo?" Mariing tanong ni Travis.

"Mapagpanggap din 'yang Ravis na 'yan. Kunwari pang galit, hindi ka rin naman pala matitiis." Mahinang sabi ni Din na sinabayan naman namin ng pagtawa.

"Boyfriend ko." Sagot naman ni Jeorge. Halatang inaasar n'ya si Travis.

"Alam mo kung paano ako magalit, Jeorge. Sino ang kasama mo?!" Galit na sabi ni Travis. Hindi namin mapigilan ang hindi matawa.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon