Chapter Four

521K 10.6K 487
                                    

FOUR

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Porn na lang kasi panoorin natin! Dami mo pang alam eh." Tinapunan ko ng masamang tingin si Axcel ng bigla itong magsalita. May hawak itong beer can at kanina pa siya nag-iinom. Nakaka-apat na siyang beer at ako naman ay juice lang at snacks. Hindi kasi ako mahilig uminom, kapag may okasyon lang.

"Manahimik ka na lang diyan at itong The Vow ang panonoorin natin." Sabi ko sa kanya.

"Bakit kayong mga babae ang hihilig sa romance? Tapos iiyak-iyak kapag nasaktan. Sus, aarte n'yo." Walang sabi-sabi ko siyang binatukan ng pagkalakas-lakas.

"Kung hindi mo itatahimik 'yang bibig mo, ipapalunok ko sa'yo 'yang beer mo. Nakakaapat ka pa lang pero lasing ka na? At ano ang karapatan mong sabihan kaming maaarte? Palibhasa puro pasarap ka lang sa buhay! Sipain kita diyan eh." Sabi ko sa kanya sabay irap.

 "Ang ingay-ingay mo! Halikan kita diyan makikita mo." Sabi niya sa akin. Tinignan ko naman siya, walang siyang suot na pang-itaas at tanging boxer shorts na naman ang suot-suot niya, namumula na rin ang buo niyang mukha pati na rin ang mestizo niyang katawan. Marahil ay tinamaan na ng alak. Pinilit niya kasi ako kaning huwag ng umuwi at doon na lamang matulog, pumayag naman ako sa sinabi niya. At dahil na rin sa tanghali pa ang pasok namin bukas, napagdesisyunan naming mag movie marathon na mdalas naming ginagawa noon. It's already twelve fifty in the evening and we're still awake. Madalas kasi kaming nagpapatatagan kung sino ang unang tutumba sa aming dalawa.

"Kung ikaw kaya patahimikin ko diyan! Porket alam mong nandito lang ako, ang lakas ng loob mo maglasing! Tignan mo nga 'yang tarasa mo! Para kang walang dapat itago at kulang na lang ay maghubad ka sa harapan ko!" Sabi ko sa kanya.

"Kunwari ka pa, gusto mo naman ang nakikita mo." Sabi niya sa akin. Katabi ko lang siya sa sofa niya habang nainom siya.

"At bakit ko gugustuhin, aber? Pumasok ka na nga sa kwarto at matulog ka na!" Sagot ko sa kanya. Nagsimula na ang pinapanood namin.

"Alam mo Heena, kulang ka sa halik kaya ka madaldal. Halikan kaya tayo?" Sabi niya. Naramdaman ko ang mga braso niya na biglang umakbay sa akin at bigla ko rin naramdaman ang init ng katawan niya na marahil ay dala na rin siguro ng alak na kanyang ininom.

"Lumayo ka sa akin, Axcel. Sasapakin kita, makikita mo." Sabi ko sa kanya. Pero mas lalo niya lang inilapit ang katawan niya sa akin at mas humigpit ang akbay niya sa akin.

"Hindi 'yan, fiancée naman kita at wala naman tayong ginagawang masama. Pwede kitang akbayan kung kaylan ko gusto, kahit anong araw o oras. Walang makakapigil sa akin, tandaan mo 'yan." Sabi pa niya. Bigla akong napatitig sa mukha niya na malapit lamang sa akin. I could also feel his warm breathe in my face. Alam ko sa sarili ko na lasing na siya, at kapag nalalasing siya. Para siyang batang hindi mo maawat kung ano ba ang gusto niyang gawin.

"Tandaan mo 'yan, kapag gusto ko. Gusto ko, kapag gusto kitang halikan, hahalikan kita." Sabi niya ng nakatingin sa mga labi ko. Hindi ko alam pero parang may kakaiba akong nararamdaman. He put some strands of my hair behind my ear.

"Your lips are mine, just mine." He huskily said. Naramdaman ko ang paghigpit ng akbay niya sa akin at ang unti-unting paglapit ng mukha niya sa akin habang ang mga mata niya ay nakatingin sa labi ko.

Alam kong nasa sarili pa akong pag-iisip kaya agad akong nag-iwas ng tingin kaya lumapat ang mga labi niya sa pisngi ko. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Dahil bigla niya akong inihiga sa sofa at doon ay hinalikan niya ako.

His lips met mine. I admit, this is not the first time he kissed me. Marami nang beses niya akong hinalikan lalo na't kapag nasa harap kami ng mga magulang namin. Agad ko siyang itinulak ng pagkalakas-lakas.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon