Chapter Ten

445K 9.5K 623
                                    

TEN

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Hindi ako natutuwa sa'yo, Montemayor." Seryoso kong sabi sa kanya habang inaayos ko ang sarili ko. Buti na lang talaga at wala akong suot na sapatos kanina nang tumalon siya kasama ako sa may pool. Kami na lang ang naiwan ngayon dito dahil tinawag na ni Tita Freen si Aivan at Francisco para kumain. Nagpaiwan lang kaming dalawa.

"Parang 'yon lang, ang saya kaya." Nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi ko na lang siya pinansin. Hindi talaga kasi ako natuwa sa ginawa niya kanina. Halos kasi malunod na ako sa biglaang pagtalon niya sa pinakamalalim na parte ng pool kanina.

Kinuha ko ang tuyong t'walya sa may lamesa na malapit lang sa pool at agad kong pinunasan ang sarili ko. Nakaupo ako habang nagpupunas ng tumabi siya sa akin.

"Oy, sorry na. Sungit nito." Pabirong sabi niya. Pero hindi ko pa rin siya pinansin. Pagkatapos niya akong pag-tripan kanina? Ayoko pa naman ng ganoon, madali kasing uminit ang ulo ko sa mga bagay na hindi nakakatuwa.

"Pansinin mo ako, nag-sorry na naman ako." Sabi niya sa akin. Hindi ko pa rin siya pinansin. Patuloy ko lang na pinupunasan ang sarili ko.


"Heena, sorry na. Gusto lang naman kita lambingin kanina." Sabi niya.

"Kung panlalambing ang tawag mo 'don, hindi nakakatuwa." Seryoso kong sabi sa kanya at tsaka ko siya tinapunan ng saglit na tingin.

"Hindi ko na uulitin, promise." Sabi niya sabay taas ng kaliwang kamay. I just rolled my eyes. May nangako bang kaliwang kamay ang nakataas?

Tumayo na ako pagkatapos kong punasan ang sarili ko. Hindi ko na lang siya pinansin at tsaka naglakad papasok sa loob ng malaking bahay nila. Pero nakakailang hakbang pa lang ako ng bigla akong yakapin ni Axcel mula sa likuran. Bigla ay parang may kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko nang yakapin niya ako. Wala kasi siyang ibang saplot kung hindi boxer brief lang kaya halos wala na siyang saplot  

"Sorry na, hindi na ako uulit. Susundin na kita, mag-bebehave na ako tsaka lilinisin ko na lagi unit ko. Kausapin mo lang ako." Bakas sa tono ng boses niya na seryoso siya sa sinabi niya. Pero hindi ko pa rin maiwasan ang makaramdam ng kakaiba sa pagkakayakap niya mula sa may likuran ko. Oo, aaminin ko. Maraming beses na niyang nagawa ang ganitong bagay sa akin. Pero bakit ganito? Bakit sa puntong 'to may kakaiba akong nararamdaman? Bakit parang gusto kong nakayakap na lang siya sa akin? Na para bang ako ang lakas niya at siya ang lakas ko. I shook my head. Nasisiraan na siguro ako ng ulo.

I turned myself at him and I suddenly met his eyes. Those sincere eyes he has, those eyes who were so meaningful to me.

"Hindi lahat ng biro, nakakatuwa." Sabi ko sa kanya.

"Sorry na nga, hindi na ko uulit. Bati na tayo?" Parang batang sabi niya at tsaka siya ngumiti ng maluwag. Hinampas ko naman siya sa dibdib niya.

"Nakakainis ka kamo." Medyo nakangiti kong sabi sa kanya.

"Bakit naman?" Tanong niya nang nakangiti. Alam naman niya kung bakit.

"Alam mong hindi kita matitiis! Kukurutin na kita sa singit, makikita mo." Sabi ko sa kanya. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa.

"Love mo kasi ako kaya hindi mo ko matiis, kiss mo nga ako!" Sabi niya at akma niya akong hahalikan pero agad kong tinakpan ang bibig niya.

"Akala mo naman papauto ako sa'yo, mga galawan mo eh 'no? Sipain kita diyan." Sabi ko sa kanya. Inakbayan naman niya ako.

"Di ka naakit sa akin? Labas 'yung abs ko oh tsaka nipples ko." Natatawa niyang sabi.

"Hindi naman porket macho ka, maaakit agad ako sa'yo. Mas prefer ko pa rin ang mga lalaking may laman pati utak." Seryoso kong sabi sa kanya.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon