Chapter Thirty Three

369K 8K 1.5K
                                    

THIRTY THREE

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"What?!" Kunot noo at iritado kong sagot sa kanya.

"It's very simple baby, just your number and name." Nakangisi n'yang sabi sa akin. Lumapit naman iyong school nurse sa kanya at akmang gagamutin siya pero pinigilan n'ya iyon.

"I can handle myself." Mariin nitong saad sa school nurse. Para namang biglang natakot iyong school nurse at agad na umalis sa may tabi n'ya. Inilapag lang nito ang mga gamot na kailangan niya.. Hindi pa rin n'ya inaalis ang tingin sa akin at tila ba kinakabisado ang buo kong pagkatao. I suddenly get conscious because of this jerk!

"Why would I give my number and name to you, Mr? You are a stranger." Mariin at masungit kong sabi sa kanya. Pero mas lalo lamang siyang ngumiti sa sinabi kong iyon.

"Too feisty, huh. I'm Nicollo Andres Lorenzo. Happy?" Nakangisi pa rin nitong sabi sa akin.

"Bahala ka sa buhay mo. Aalis na ako at may klase pa ako." Iritable kong sabi sa kanya at akmang tatalikod na ng bigla na naman siyang magsalita na nakapagpatigil sa akin.

"Cum Laude, huh." He said in his mocking tone. Agad akong humarap sa kanya.

"Ano ba talagang kailangan mo?!" Galit ko nang sigaw sa kanya.

"Bingi ka ba? Hindi ba't sinabi ko na sa'yo?" Medyo iritado nitong sabi sa akin. Wow lang ha, ang angas magsalita!

"Hindi ako bingi at alam ko ang sinabi mo! What I want to say is why?" Akala ko si Axcel lang ang may kakayahang inisin ako ng todo. Pati rin pala itong lalaking 'to, kayang-kaya ako inisin.

"Gusto kita, hindi pa ba halata? I didn't know you're that dense not to feel it, I thought you are a candidate for what? Cum Laude?" Saad niya sabay mahina siyang tumawa pero napaaray din siya marahil ay sa mga suntok na tinamo niya sa may tiyan niya.

"Gusto mo ako?" Nainsulto man ako sa pagtawa niya nagulat pa rin ako sa sinabi niya. Ngayon lang kasi mayroong naglakas ng loob na aminin sa akin ang nararamdaman nila para sa akin. Wala kasing makalapit noon sa akin dahil laging si Axcel ang kasama ko.

"Oo, gusto kita. Englishin ko pa?" Nakangisi niyang sabi.

"You're unbelieveable." Napapailing kong sabi. Sino ba namang tao ang magkakagusto sa'yo agad? Hindi naman ako tanga para maniwala agad sa sinasabi niya. Alam ko ang ganyang mga istilo, playboy moves.

"Ako? Parang hindi naman. Mukha namang kapanipaniwala itong gwapo kong mukha." Amused na sabi niya sa akin pero alam kong seryoso pa rin siya. Hindi na ako nagsalita pa at kinilatis kong maigi ang mukha niya.

Kahit pa puro pasa at gasgas ang mukha niya, hindi maikakailang g'wapo siya. He looks like a holywood actor, looks like Alex Pettyfer. Ang kaso nga lang ay mayroon siyang diamond earings na panlalaki at bagay naman iyon sa kanya. Matangkad siya at sa tingin ko ay mas matangkad siya kaysa kay Axcel.

"Just tell me your name and I'll be okay." Nakangisi niyang sabi. I sighed. Pangalan lang naman hindi ba? At wala naman sigurong mawawala kung sakaling sabihin ako ang pangalan ko.

"Heena Adelaida." Mahina kong sabi pero sigurado akong narinig n'ya iyon. Sumilay naman ang ngiti sa mukha niya. Tumalikod na ako para umalis dahil ilang minuto na lang ay klase ko na. Papalabas na ako ng clinic ng marinig ko ang boses niya.

"See you soon, Heena." Iyon lang ang sinabi niya at tsaka ko isinirado ang pinto at nagmadaling umakyat sa itaas.

Isang minuto bago ang klase ko ay nakarating ako sa room namin. Ilang segundo lang ay naroroon na rin ang professor namin. Itinuon ko na lang ang pansin ko sa itinuturo ng professor namin. Mas mabuti nang maging handa ako para sa OJT ko next sem. Hindi ko na namalayan ang oras hanggang sa natapos ang klase ko. Sampung minuto bago matapos ang klase ko ay tinext ko na si Axcel. Panigurado naman akong nasa ibaba na iyon kaya nagmadali akong bumaba.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon