Chapter Seven

472K 10.2K 1K
                                    

SEVEN

Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)  

"Di naman kasya sa akin 'yan. Malaki nga kasi 'to!" Reklamo sa akin ni Axcel. Binatukan ko naman siya. Nandito kasi kami ngayon sa men section ng department store ng LCM. Mall na pagmamay-ari ni Tita Freen.

"Anong malaki! Stretchable naman 'tong boxer shorts na bibilhin natin. Ang dami dami mong reklamo." Sabi ko sa kanya sabay irap.

"Magagawa ko? Sa malaki 'to di naman kasya 'yan. Sukatin pa natin eh." Sabi pa niya. It's already seven o'clock in the evening at dito agad kami dumiretso sa LCM. Hindi muna agad kami kumain dahil dumiretso kami agad sa men section ng department store para ibili siya ng underwear. Pinagtitinginan na nga kami ng mga tao dahil sa puro reklamo siya.

"Huwag mong paandarin 'yang katangahan mo, Montemayor." Naiinis kong sabi sa kanya. Kapag ganitong medyo gutom pa naman ako, mainit ang ulo ko.

"Talaga naman, hindi kasya." Bulong pa niya na narinig ko naman.

"May sinasabi ka?" Mataray kong tanong sa kanya.

"Wala! Sabi ko ang ganda mo!" Sagot niya sa akin. Inirapan ko lang siya.

"Ang laki laki mo na, underwear lang nagpapasama ka pa magpabili. Isip bata ka talaga eh 'no? Pasalamat ka at nasa tabi mo ko lagi." Sabi ko sa kanya. Sumimangot naman niya. Kinuha ko naman ang mga pinamili namin, walong boxer shorts at dalawang pack ng new briefs niya. May mga t-shirt din akong ibinili sa kanya at tsaka ilang sando.

Pumunta na kami sa counter para bayaran ang mga pinamili namin. "Send it to my tab." Seryosong sabi ni Axcel sa counter.

"Yes, sir." Iyon lang ang isinagot sa kanya ng cashier. Pagkatapos na ayusin ang mga pinamili namin, umalis na kami roon.

"Nagugutom ka na ba?" Tanong ko sa kanya. He just nod.

"Saan mo ba gusto kumain?" Tanong ko sa kanya.

"McDo, gusto ko ng fries tsaka burger." Parang batang sabi niya. Paborito niya kasi ang McDonalds since bata pa siya.

Pumunta naman kami sa McDonalds dala ang mga pinamili namin. Naghanap lang kami ng pwesto at tsaka ko siya iniwan doon. I ordered what he wants. Umorder din ako ng rice at chicken para sa aming dalawa at kung ano pa. Pagkatapos kong umorder, bumalik na ako sa pwesto namin dala ang mga inorder namin. Pero nadatnan ko siyang may kausap na babae. Abot tenga rin ang ngiti niya at hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng inis.

"Just call me." Sabi ni Axcel sa babaeng kausap niya kanina na may kasama pang kindat. Umalis na 'yung babaeng kausap niya. Hindi ko siya pinansin. Umupo lang ako sa harap niya at tsaka inilapag sa lamesa ang mga inorder ko.

"Ang tagal mo naman." Reklamo niya.

"Di sana ikaw ang umorder, hindi 'yung ako ang pinag-order mo para hindi ka matagalan." Seryoso kong sabi sa kanya.

"Hindi ka na mabiro." Sabi niya. Kumagat na siya sa burger na inorder ko. Kinuha ko ang cellphone ko at nag-check ng mga messages.

"Hoy, bakit hindi ka nagsasalita diyan?" Tanong niya.

"May dapat ba akong sabihin?" Tinapunan ko siya saglit ng tingin pero muli kong ibinalik ang tingin ko sa cellphone ko.

"Ang sungit mo naman, umorder ka lang saglit nagsungit ka na. May nakilala tuloy ang chicks kanina. Mas maganda sa'yo." Sabi niya sa akin.

"Okay." Iyon lang ang isinagot ko. I checked some important messages from my father and my brother. Yes, I have a brother. He is ten years older than me. President at my Dad's company.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon