Chapter Twenty Six

359K 8.4K 792
                                    

TWENTY SIX

 Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)

"Mommy!" Biglang naputol lahat ng pag-iisip ko tungkol kay Axcel nang may biglang batang lalaki ang tumakbo sa may pwesto ni Ate Raisse. Agad itong binuhat ni Ate Raisse pagkalapit nito. Bigla ay napangiti ako nang makita kong bigla nitong halikan si Ate Raisse sa magkabila nitong pisngi.

"Saan ka na naman ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Seryosong sabi ni Ate Raisse kay Marcus habang kandong ito. Nakatingin lang kami sa kanila at pinapanood silang dalawa. Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti dahil parang wala lang kay Marcus ang pagseseryoso ng Mommy n'ya.

"Nag-play lang ako kasama ni Kuya Francisco, Kuya Anthony at ni Kuya Viel. Miss mo na ba agad ako, Mommy?" Nakangiting saad ni Marcus sa Mommy n'ya. Narinig ko naman ang pagtawa ni Din, Rissa, Jeorge at Felice sa sinabi ni Marcus. Ang mga boys naman ay nakangiti lang.

"The first child in the 4th Generation." Rinig kong sabi ni Shaun habang nakangiting umiiling.

"Have you already eaten? Baka mamaya laro kayo nang laro, hindi pa pala kayo kumakain." Seryosong sabi ni Ate Raisse kay Marcus habang pinipisil ang matangos nitong ilong. Kamukhang-kamukha kasi ni Kuya Greg si Marcus kung hindi mo titigan, pero malaki rin ang pagkakahawig nito kay Ate Raisse. Nakuha kasi ni Marcus ang semi-blonde na buhok ni Kuya Greg kaya mas lalo silang naging magkamukha.

"Hindi pa, Mommy." Kaswal na sagot ni Marcus. Kumunot naman bigla ang noo ni Ate Raisse.

"Lagot si Kuya Greg." Rinig kong bulong ni Din sa may tabi ko.

"Nasaan na ba ang Daddy mo? Akala ko ba pinakain ka na n'ya?" Seryosong tanong ni Ate Raisse.

"I heard my name." Bigla kaming napalingon ng magsalita si Kuya Greg sa may likuran ni Ate Raisse. Yumakap siya dito at saglit na hinalikan ito sa pisngi bago kinuha si Marcus at binuhat ito.

"Akala ko ba kumain na 'yan?" Masungit na tanong ni Ate Raisse kay Kuya Greg. Naririnig ko na ang mahihinang tawanan ng mga boys sa gilid dahil sa nasasaksihan nila.

"Wala talaga, under si Kuya Greg." Saad ni Xander at tsaka humalakhak. Sa pagkakaalam ko rin kasi, si Kuya Greg ang first child sa 3rd Generation ng mga Montemayor kaya Kuya ang tawag namin sa kanya.

"Ayaw n'yang kumain kanina, gusto n'yang ikaw magpakain sa kanya." Sagot naman ni Kuya Greg at tsaka umupo sa tabi ni Ate Raisse. Inakbayan n'ya ito kahit na nagsusungit ito.

"Kahit na! Dapat pinakain mo." Sabi ni Ate Raisse. Nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa mukha ni Kuya Greg.

"Iba talaga kapag buntis, ano? Nagsusungit lagi." Nakangiting sabi ni Kuya Greg. Nanlaki naman ang mga mata namin sa narinig. So it means, buntis si Ate Raisse sa second child nila? Wow!

"Ang bilis mo Kuya Greg!" Saad ni Travis na sinabayan namin ng pagtawa. We congratulated them at panay lang ang lambing ni Kuya Greg kay Ate Raisse.

Nagkwentuhan at nagtawanan lang kami roon ng kung anu-ano. Laging kinukwento ni Ate Raisse kung gaano kapatay sa kanya si Kuya Greg. Wala kaming nagawa kung hindi ang tumawa, hindi kasi makaalma si Kuya Greg sa mga sinasabi ni Ate Raisse. I could see that their relationship is really perfect. Nasa aktong nagtatawanan kaming lahat ng biglang may magsalita sa may likuran ko.

"Heena."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang marinig ko ang napakapamilyar na boses na 'yon.

"O bro? Kahit ngayon ka lang? Kanina pa kami dito!" Saad ni Shaun kay Axcel. Umupo ito sa may tabi ko at umupo naman sa tabi niya si Thalia. Naramdaman ko ang biglang pagtahimik nina Din, Rissa, Jeorge at Felice. Kanina pa umalis sina Ate Raisse at Kuya Greg para patulugin sa loob si Marcus.

Just If (What If It's Love, Published Under Summit Media) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon