Chapter 21:

5 0 0
                                    

'CASSIE'

Monday at pasukan na naman.

Maaga akong pumasok ngayon at wala pang tao sa Classroom namin kaya naisipan ko munang pumunta sa Garden at dinala ang Percy Jackson na libro ko para doon magbasa.

Umupo ako sa dulo at doon nagbasa. May ilang sandali na ako doon at tahimik naman dahil wala pang ibang istudyante.

"Good morning."

Natigil ang pagbabasa ko ng may marinig akong boses sa likuran konkaya agad ko iyong nilingon.

Si Kirby.

Natulala ako sa kanya dahil sa pagkabigla ko. Nagsmile sya sakin.

"Pwedeng umupo? :)"

Wala sa sariling tumango ako.

"Para ka namang nakakita ng multo." natatawa nyang sabi sakin.

Kumurap-kurap ako.

"Ah sorry.. Hindi ko lang inaasahan ang pagdating mo."

"Maaga ka yata pumasok ngayon?"

Sinara ko ang librong binabasa ko at dahil mukhang hindi ko din naman sya matatapos ngayon.

"Ngayon lang. Haha. Medyo napaaga kasi ang gising ko. Mag-isa ka lang yata?" Sabay lingon ko sa paligid kung may kasama sya.

"Late silang pumapasok. Haha. May training kasi ang Team ngayon kaya maaga ako."

"Training?"

Nilibot ko ulit ang mata ko dahil baka biglang sumulpot si Alien. Natigil lang ako ng marinig kong tumawa sya.

"Wag kang mag-alala, wala si dustine. :)"

Parang namula naman ako sa sinabi nya. Halata bang yung alien na yun ang hinahanap ko? -___-?

"Balita ko na kila Dustine daw kayo nung Saturday."

"Oo. Pano mo nalaman?"

"Naikwento ni Patricia. :)"

"Ah... Kilala mo din sya?"

Ang tanga ng tanong mo cassie. Malamang! Best friend nya si Alien. -___-

"Yup. Nakakasama ko din sila kapag gumagala kami nila Dustine."

"Aahhh.."

Medyo naiilang kong sagot. Hello? Ano'ng sasabihin ko eh hindi naman kami masyadong close ni kirby. T___T

"Lagi ka pa rin bang kinukulit ni Dustine?"

Agad akong sumimangot sa tanong nya.

"Tinatanong mo talaga yan? Yung kaibigan mo walang ginawa kundi sirain ang araw ko. -___-"

Tumawa sya sa sinabi ko.

"Ang cute nyo kayang dalawa, lalo na kapag nag-aaway. :)"

"Psh. Ako lang yung cute, hindi sya kasal--"

*BLAG!*

May biglang humarang na bag sa gitna namin ni Kirby.

"Cute ako. Hi manang. :)"

"Tss. Speaking of the dev--"

"Pogi. ^^."

"Ang kapal talaga ng mukha mo!"

"Bakit ikaw? Hindi? :D"

Sa inis ko ay hinampas ko sya ng librong hawak ko.

Tumigil lang kami ng marinig na tumatawa si Kirby.

Secretly Inlove with youWhere stories live. Discover now