Chapter 20;

5 0 0
                                    

'CASSIE'

Inabot kami ng 9 PM kila Alien. Nawili kasi kaming maglaro at magkwentuhan..

Nakapagpalit na din kaming lahat at nauna na akong lumabas. Hihintayin ko na lang sila sa labas. May kinuha pa kasi yung boys sa kwarto ni Alien at sila Joyce ay kausap naman si Patricia.

Simula kanina ay hindi na kami nag-usap ni Alien at hindi na rin naman nya kinulit kanina. Umiiwas ako ng tingin sa tuwing makikita ko syang nakatingin sakin..

Ang bigat pala sa pakiramdam. :( Ngayon ko lang naramdaman to. Nung crush ko naman si Kirby hindi naman ako nakaramdam ng ganito.

"Cassie?"

Lumingon ako..

Si Patricia.

"Bakit ka nandito sa labas? Mag-isa ka lang.." sabi nya at tumabi sakin.

"Ah.. Nagpapahangin lang ako."

Okay. Medyo awkward. Ngayon ko lang sya makakausap.

"Okay ka lang ba?"

Nagtataka na tinignan ko sya.

"Huh? Oo naman. Bakit?"

"Ah.. Wala naman.. para kasing matamlay ka.."

"Napagod lang siguro ako."

Hindi na sya ulit nagsalita kaya lalo akong nailang..

"Nagki-kwento ba sayo si Dustine?"

Natigilan ako sa tanong nya at nilingon sya.

"Ng alin?"

"About sa dati naming school.."

Tumawa ako ng mahina na mukhang ipinagtaka nya.

"Ah sorry.. Hindi naman kami ganon kaclose ni Alien kaya imposibleng magkwento yun sakin. Nakita mo naman siguro kanina diba? Lagi kaming magka-away. :)"

Tumawa sya sandali at tumingin sakin..

"Naiinggit nga ako sayo eh." Sabi nya sakin.

"Huh? Bakit naman?"

"Kasi nagagawa mong awayin si Dustine. :) Hindi kasi sya ganyan nung nasa team pa sya eh. Lagi syang nakipagtawanan samin pero kahit ganon ay hindi nya nagagawang makipagtalo sa mga kasama namin.. Kaya nga nagulat ako ng makita ko syang nakikipagtalo sayo.."

Nabigla naman ako sa sinabi.

"Uhm.. Sure ka bang iisang tao lang yung tinutukoy mo?"

Tumawa sya sa sinabi ko.

Hindi ako makapaniwala. Yung alien na yun hindi marunong makipagtalo? Wow. Anyare ngayon? -___-??

"Oo naman.. Mabait si Dustine, makulit nga lang. :) pero mas makulit sya ngayon."

"Oo nga. Parang kiti-kiti yung kaibigan mo." Pagsang-ayon ko sa kanya.

"Ah.. Pwede ba tayong maging magkaibigan?"

Natulala ako sa sinabi nya dahil hindi ko iyon inaasahan.

"O-oo naman walang problema.." naguguluhan kong sagot sa kanya.

Ngumiti si Patricia at niyakap ako sandali..

"Alam kong nagtataka ka kung bakit gusto ko bigla na makipag-kaibigan sayo.. Feeling ko kasi magkakasundo tayo at malapit ka kay Dustine." Masaya nyang sabi sakin.

Hindi ako agad makapagsalita.. Kaya ba nya gustong mapalapit sakin dahil lang doon? Gagawin ba nila akong tulay?!

Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko.. Naiinis ako na nasasaktan.. parang gusto kong maiyak..

Secretly Inlove with youWhere stories live. Discover now