Chapter 3:

10 1 0
                                    

'CASSIE'

Weeks na rin ang lumipas simula ng pasukan at weeks na rin ang lumipas simula ng makilala ko ang Kurt na yan, na walang ginawa kundi bwisitin ang araw ko.. -_____-

"Good morning manang!"

Hindi ko na sya pinansin at pumasok sa Room.. Nasa pinto kasi ito at sya pa ang una kong nakita ngayong araw. =___=

"Grabe ka naman! Wala man lang 'Good morning din?' "

Sinundan pala nya ako hanggang sa makaupo ako sa upuan ko..

"Walang good sa morning, ngayong nakita kita."

Nanlaki ang mga mata nya at naatras tapos sinapo ang kanyang dibdib na tila aatakihin..

"Araaayyy! Ang sakit naman non! Hindi ka man lang ba natuwa ng kahit kaunti ng makita ang taglay kong kagwapuhan? O.O"

"Nasaan ang gwapo?"

Lalong nanlaki ang mata nya at biglang nanghila ng kung sino man na dumaan at hinawakan ng Alien na to sa kwelyo ng uniform..

"Pare! Bulag ba si Manang?! Bakit hindi nya makita ang taglay kong kagwapuhan?!"

"Pare, ang kagwapuhan ay sa akin mo lang matatagpuan." Sagot ni Warren na syang nahila ni Alien kanina.

Niyakap nya si Warren at tinapik-tapik ang likod nito..

"Masyado lang nasilaw sa kagwapuhan ko ang manang na yan.."

Napapailing na lang ako.. Mga siraulo. >____<

"Oy ano yan?! Ang aga-aga ah?!"

Tumingin ako sa sumigaw. Si Nathan. Tsk. I'm sure tatawagin nyang bakla ang dalawang ya--

"Bakit hindi nyo ako sinasali?! Group hug! (〜^∇^)〜"

Nakalimutan kong pare-parehas pala silang mga baliw.. Nagyakap silang tatlo at nagpaikot-ikot pa. Lumapit sakin sila Kim na nagtataka.

"Anong meron?"- Joyce.

"Reunion ng mga Alien. =___="

Tumawa lang ang dalawa sa tabi ko na ngayon ay pinanonood ang tatlo na tila nagsasayaw ng kung ano..

"Ang sakit sa ulo ng tatlong yan. =___="

Tumawa sila..

"Sabi sayo madadagdagan sila eh. XD"- Joyce.

"Ang cute talaga ni Babe. :)" - Kim.

Napailing na lang ako. Malala na din ang isang to..

"Manang!"

Tumingin ako sa kanya ng masama.

"Wala lang! Manang ka kasi eh! v^____^v"

Aba't. =____=

Sasagot na sana ako ng mag-ingay ang bell. Hudyat na magsisimula na ang klase.. Sakto namang pasok ni Sir Lunar na syang Teacher namin sa Chemistry..

Agad namang lumapit sa tabi ko ang Alien. Magkatabi nga pala kami. -____-

"Good morning class.."

"Good morning sir!!"

Nagdiscuss lang si Sir ng kung ano tapos nag short quiz..

"Tsk. Ang baba ng score mo manang.." Sabi nya habang ibinalik sakin ang papel ko..

8 out of 10..

Nabatukan ko tuloy sya.. 7 lang kasi sya eh! Ang yabang-yabang!

"Sir oh! Sinasaktan na naman ako ni Manang!"

Secretly Inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon