Chapter 4:

9 1 0
                                    

'CASSIE'

"Cassie Anne!!!!!"

Nilingon ko yung maingay.. Si Kimberly na patakbong palapit na sakin.. Kasunod nya din si Joyce na tumatakbo din palapit sakin..

Katatapos lang kasi ng klase namin at pauwi na sana ako.. Friday ngayon eh..

"Anong trip nyong dalawa?"

Naramdaman ko na lang na bumigat ang katawan ko dahil sa dalawang nakakapit sakin na tila Tarsier..

"Isama mo kami!!!"- Kim.

"Oo nga! Isama mo kami!!"

Nagtataka na tinignan ko si warren at Nathan na nasa harapan ko.. Si Alien? Ayun nagtataka din na nakatingin samin..

"May sapi ba ang mga to ngayon?" Tanong ko kay Nathan..

"Oy hindi ah! Monthsarry kaya namin ni Babe ngayon!"- Nathan.

Napaisip ako.. Oo nga pala.. Tumingin ako kay Kim na nakasabit sakin..

"Ang tagal nyo ng naglolokohan.. Congrats!"

"Hihi. Thank you! *u*" - Kim.

Baliw hindi ba?

"So... Anong kailangan nyo sakin?"

"Manonood kami mamaya! *w*"- Joyce.

O____o!

"No!!!"

Agad na nalukot ang mukha nilang lahat maliban kay Alien na walang kaalam-alam sa mundo..

"Oy ano yon?! Isali nyo naman ako sa usapan!!"- alien..

No... Ayokong malaman ng alien na yan! I'm sure guguluhin nya lang ako mamaya! >_____<

"Ang daya mo naman Cassie!!"- Nathan..

"Oo nga! Ang tagal tagal mo ng kumakanta sa Cafe namin pero kahit minsan hindi napanood!" Nagtatampo ding sabi ni Warren.

"Oo nga! Kaibigan mo kaya kami!"- Kim.

"Nakakatampo! >n<"- Joyce.

"Regalo mo na sana samin ni Babe! TnT"- Nathan.

"Marunong kang kumanta? :O?- Alien.

Tama si warren.. Never pa nila akong napanood.. Hindi kasi ako pumapayag.. Kasi..

Nahihiya ako. (._.)

Ewan ko ba! >___< Nahihiya ako sa kanila eh, lahat ng kakilala ko.. Kaya sikreto lang ang pagkanta ko doon para walang makaalam na iba at walang ibang pumunta sa Cafe na yon! >n<

Iba pa rin kasi yung makikita nila akong kumanta kasama ang Banda ko kesa sa kumakanta lang ako sa Program ng School.

"A-YO-KO."

"Cassie naman!!!" - Yung apat.

"Cassie Anne ang pangalan ko.. Hindi Cassie naman.."

Tinignan nila ako ng masama.. Sila naman! Tinatry ko lang iligaw ang usapan! >3<

"Oy saan yan? SAAN?! ISAMA NYO NAMAN AKO SA PANGARAP NYOOO! Out of place ako mga tol! TnT"

"Wag mo ng alamin! Ikaw ang kahuli-hulihan kong gustong tao na hindi makita mamaya!"

Ooppsss. Wrong move! Mas lalo nyang pipiliting sumama para asarin ako! >____<

"Whoa! Okay! Sasama ako sa inyo! Cool! Anong oras ba? ^____^v"

Napahilot na lang ako ng sentido ko. Sumasakit ang ulo ko sa kanila..

"Ayaw ngang pumayag ni Cassie eh.. Pilitin mo tol!"- Nathan..

Secretly Inlove with youWhere stories live. Discover now