Chapter 9:

12 0 0
                                    

'CASSIE'

Agad akong nagpalit ng damit at kinuha lang ang Wallet at Cellphone ko.. Naabutan ko si Kuya CJ sa Living room. Tinignan nya ako at kumunot ang noo sabay tingin sa suot nyang relo.

"Gabi na ah? Saan ka naman pupunta?"

"Sandali lang ako. Dyan lang ako sa playground."

"Maglalaro ka pa doon? Damulag ka na kaya!"

"Ewan ko sayo! Sabihin mo na lang kila Mommy na umalis lang ako saglit!"

At yun.. Lumabas na ako ng pinto namin at pinagbuksan pa ako ng Guard namin ng Gate..

Hindi naman gaano kalayo yon eh. Mga 5 minutes lang..

Sira talaga ang alien na yon! Paano nya nalaman na dito ang Bahay namin at kanina pa daw sya sa Playground? Paano pala kung tinopak ako at hindi ako pumunta? -_____-

Sa kalalakad ko, hindi ko napansin na nandirito na pala ako sa tapat ng Playground.

Nilibot ko ng tingin ang paligid.

"Wala naman sya ah?"

Napasimangot agad ako..

"Pinagloloko lang ba nya ako?! Nakakain-- AY BAKLA!!"

PUTEK NAMAN! >_____<

May humipan na naman sa tainga ko! >____<

May narinig akong tawa sa likuran ko kaya agad akong lumingon.

Isang baklang alien. -___-++

"Nakakainis ka!!"

Tumatawa lang sya at dinaanan lang ako para umupo sa isang swing.. Nagdadabog na sumunod ako sa kanya.. Nakatayo ako sa harap nya at namewang.

"Oh ano? Bakit ka nandito?"

"Kailangan ko nga ng kausap kasi malungkot ako ngayon."

Tinitigan ko sya ng mabuti.

"Anong akala mo sakin? Entertainer? (~_^)"

Kunwaring nag-isip pa sya tapos hinagod ako ng tingin at tumitig sa mukha ko sabay ngiti.

"Oo? Makita ko lang mukha mo, napapangiti na ako eh. ^^."

"Ewan ko sayo! Dyan ka na nga!!"

Pero bago pa ako tuluyang makatalikod ay may pumigil na sa kamay ko.. Nilingon ko sya.. Seryoso ang mukha nya.

"Stay.. Stay with me here.. Please.."

Natigilan ako.. Please daw! Himala! :O

Napalunok na lang ako tapos umupo sa tabi nyang swing..

Matagal ding walang umimik samin.. Tahimik lang akong nagduduyan ng mahina.. Pagkatapos non ay tinignan ko sya..

O____O

Nakatingin din pala sya sakin..

"O-okay ka lang ba?"

Shit. Bakit ba ako nauutal? >n<

Nagulat ako ng ngumiti sya..

"Oo. Okay na ako.. Ikaw kamusta? Parang masaya ka yata ngayon ah?"

Natigilan ako. Mukha ba akong masaya?

"Halata ba? Hmm. Umuwi na kasi sila Daddy eh.. Kumpleto na kami ngayon. ^^."

Hindi ko alam kung bakit pero mukhang nagulat sya sa sinabi ko tapos bumuntong hininga at tumingin sa langit..

Secretly Inlove with youحيث تعيش القصص. اكتشف الآن