Chapter 7:

7 1 1
                                    

'CASSIE'

"Nakapag-review kaba?"

Nilingon ko si Kim.
Nandito na kami sa Classroom.. Wala pa ding masyadong tao dito.. Medyo maaga pa kasi. Naghihintay na lang kami..

"Oo naman. Lagot ako kila Kuya kapag bumaba ang rank ko. -__-"

Tinawanan nya lang ako.. May kundisyon kasi ang Lolo ko na kung gusto kong dito sa Pilipinas mag-aral ay wag ko daw hayaang bumaba ang rank ko, kung hindi.. Sa New York ako titira kasama sila lolo at doon mag-aaral. T___T Kaya hindi ako pwedeng magpabaya.

"Good morning Kim! Hi Manang! ^^."

May dumating na Alien. -__-

"Shoo! Layo nga samin. Layooo!"

"Wagas ka naman makataboy manang!"

Inirapan ko na lang sya.. Lumapit si Nathan samin kaya bumalik na ako sa upuan ko.. Maglalambingan lang ang dalawang yan eh. -___-++

Pagkaupo ko ay umupo na din si Alien sa tabi ko na nakangiti.

"Nginingiti mo dyan?"

"Masama ba? ^^."

"Oo. Kapag sayo galing. -__-"

Tumawa lang sya.. Umirap lang ulit ako..

"Manang.."

"Tigilan mo ako, Alien." Sagot ko ng hindi sya tinitignan..

Narinig ko ang pagtawa nya..

"AY PALAKA!!!"

>______<++++

Hinipan na naman ang tenga ko! Lagi pa naman akong naka- pony tail. >____<

Humarap ako sa kanya. Nakangiti lang sya. Aba't. +___+

"Nakakainis ka talaga! Bakit mo ba laging hinihipan ang tenga ko?! >___<"

Tumatawa lang sya..

"Wala.. Nakakatawa ka kasi eh!" Sabay tawa.

"Ano?!"

Pinagtatawanan pa ako!

"Kung ano-ano kasi ang sinasabi mo kapag nagugulat. >:D"

"Ah ganon? Ito sayo!"

Agad kong piningot ang tainga nya.. Akala nya ha!

"Ouch! Aray!!! Manang masakit!!"

Natatawa na binitawan ko iyon.. Nakakatawa kaya mukha nya. :D

Nakahawak naman ito sa tainga nya.. Parang naawa naman ako.. Namumula kasi..

"Masakit?"

Sumimangot sya.

"Sa tingin mo?! Malamang masakit!!"

Napangiwi ako.. Makasigaw eh. (".)

"Let me see."

Hinila ko sya palapit pa sakin dahil nga magkatabi kami malapit talaga sya sakin.

Inalis ko ang kamay nya na nakahawak doon at inilapit ko ang mukha ko para makita ang tenga nyang namumula.

Nagtaka naman ako ng tila hindi sya makakilos at hindi makaimik na ipinagtataka ko..

"Ang tahimik mo yat---"

Tinignan ko kasi sya na dapat ay hindi ko ginawa..

LUBDUB LUBDUB

Shit.

Secretly Inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon