Chapter 18;

2 0 0
                                    

×CASSIE×

"TAYO?!"

"Uh-huh."

"Bakit pati ako? Hindi ako marunong magluto.. Gawin na lang natin yung dapat nating gawin ngayon.. Yung deal diba?"

"No. Magluluto tayo. :)"

"Hindi nga ako marunong!"

"Edi matuto ka! :D"

"Alien! >__<"

"Manang!" Natatawa nyang sagot.

Babatuhin ko sana sya ng hawak kong panyo..

"Kalma! Madali lang naman gagawin natin.. Tutulungan naman kita.."

Hindi ko talaga maintindihan takbo ng utak nito!

"Ano'ng lulutuin?"

"Chapagetti. :D"

"Chapa what?"

Tumawa sya ng malakas.. Naiinis na ako huh. -____-++++

"Spaghetti lang! HB mo naman manang! :D"

"Nakakainis ka eh. -___-++"

Ngumiti lang sya at kinuha na lahat ang gagamitin namin.. Habang sya inaasikaso yung tubig para sa pasta, ipinagawa naman nya sakin yung paghiwa ng mga gagamitin..

Itinali ko ang buhok ko at naghugas ng kamay at nagsimula ng hiwain ang sibuyas..

"Pano ba to?"

Hindi naman kasi naturuan ni Mommy about dito at sila kuya yung lagi akong ipinagluluto..

Oo. Ako na ang spoiled. -____-

"Alien?" Tawag ko sa kanya.

Lumapit sya agad sakin at tinignan yung hawak ko.

"Uhm.. Pano to?"

"Titigan mo manang, mahihiwa yan. :D"

Tinignan ko sya ng masama.

"Iwan kita dito, gusto mo? -___-++"

Kinuha nya sa kamay ko yung knife at sibuyas. Ipinakita nya kung paano.

"Now you know.."

"Psh. Umalis ka nga."

Sinimulan ko ng gayahin yung ginagawa nya kanina.. Bakit ganon? Mahapdi yung mata ko. T___T

Sumisinghot at naluluha ako.. Tyaka naman lumapit si Alien..

"Kaya mo yan manang.. Sige, iiyak mo lang.."

"Alien ka talaga! Bakit ganito? Masakit sa mat-- Ahh! Yung mata ko! Alien! Huhuhu!"

"Ano ka ba naman! Bakit mo hinawakan mata mo! Para kang sira.. Pinanghawak mo yan sa sibuyas eh!"

"Malay ko ba! Sabi sayo hindi ako marunong eh! T____T"

Dahil sa hindi ko maidilat ang mga mata ko ay nakapikit lang ako at naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko at paghila sakin palapit yata sa lababo..

"Yumuko ka ng konti.." hinawakan nya ang ulo ko at iniyuko ng konti.

"Pumikit ka lang ako ng maghilamos sayo, sasakit lalo yan kapag kamay mo ang pinanghilamos mo."

Tumango-tango ako kahit na nagdadalawang isip ako kung papayag ako..

Sya ang naghilamos sakin at naramdaman ko ang marahan nyang pagpunas ng bimpo sa mukha ko..

"Okay na ba? Di na masakit?" Mahina nyang tanong sakin.

Ito na naman yung drums sa dibdib ko at nagrereact. Idinilat ko ang mga mata ko at laking gulat ko na makita malapit lang sya sakin..

Secretly Inlove with youWo Geschichten leben. Entdecke jetzt