Chapter 17;

3 0 0
                                    

× CASSIE ×

Bumaba kami sa tapat ng Village.

"Dito ka nakatira?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi. Doon oh. Sa may guard house." Tumatawa nyang sagot.

"Ahh.. Akala ko kasi sa Jupiter ka nakatira eh. Alien ka diba?" Pang-aasar ko din sa kanya.

Akala mo ha? Hmp!

"Gwapong alien! ^^."

Napanga-nga ako..

"Bakit?" Nagtataka nyang tanong.

"Inaamin mo ng isa ka ngang Alien? :D"

Tyaka naman nya narealize yung sinabi nya.

"Gwapong nilalang pala, manang."

"Walang bawian, Alien. :D"

At yun naglakad na kami papasok sa Village.. Halos wala namang pinagkaiba sa Village na tinitirhan namin. Malalaking bahay, malawak na bakuran at tahimik na lugar.

"Namamangha ka na naman manang.." Tumatawa nyang sabi sakin ng lingunin nya ako.. Nauuna kasi syang maglakad sakin. Hinampas ko nga.

May limang minuto din siguro kaming naglakad hanggang sa tumigil kami sa tapat ng higanteng gate.

May kinuha sya sa bulsa nya at lumingon sakin at ipinakita ang susi na nakasabit sa wallet nya na Spongebob.

May Alien pa lang mahilig kay Spongebob..

Pagkabukas nya ng Gate ay nilingon nya ako at parang sinasabing Ano-pang-ginagawa-mo-dyan look..

Hindi ko rin kasi maintindihan kung bakit ako nakararamdam ng kaba! >__<

Pilit kong kinalma ang sarili ko at pumasok sa loob..

Mas namangha ako sa nakita ko.. Pagpasok mo pa lang sa loob ay isang malaking hardin ang sasalubong sayo na punong-puno ng iba't-ibang bulaklak..

"Wow.." hindi ko napigilang paghanga sa nakita.

"Maganda diba? My mother is a Florist." Sabi nya ng nakangiti at halatang proud sa mommy nya.

"Ang ganda dito.."

"Syempre maganda ang lola ko, mommy ko at gwapo ang daddy ko pati ako. ^^."

"Tss. Baka tangayin ako ng hangin. -___-"

Nagulat ako ng bigla nya akong akbayan..

"Hindi ka pwedeng tangayin ng hangin! Tutulungan mo pa ako!"

LUBDUB LUBDUB LUBDUB

"L-lumayo ka nga sakin."

Ang lapit-lapit nya kaya sakin!

Tumawa sya at binitiwan ako..

"Tara na sa loob." Aya nya sakin.

"Hindi ba nakakahiya? Magtataka ang parents mo kung may dadalhin kang babae sa bahay nyo." Alangan kong sabi sa kanya.

Hinarap nya ako at tumawa na naman na ikinainis ko.

"Bakit kaba tawa ng tawa? >___<?"

Tumawa ulit sya.

"Dapat ba akong umiyak kapag masaya ako? :D At wag kang mag-alala manang.. Alam kong wala kang hiya. :D"

"WHAT?!"

Babatukan ko dapat sya ng may marinig akong magsalita.. Agad akong umayos ng tayo at kinabahan.

"DK? Ikaw na ba yan iho?"

Secretly Inlove with youOnde as histórias ganham vida. Descobre agora