Royal Rumble

427 19 1
                                    


Naka ilaw ang mga naglalakihang poste sa kapaligiran nang katabing lugar kasama ng buwan at mga bituin sa kalangitan ay dinidiligan nila ng liwanag ang kasalukuyang nangyayari sa ibabaw.

Sa lugar kung saan dinig ang bawat hampas ng alon sa seawall ng tabing dagat at sa katabi nitong malawak na damuhan kung saan nagbaawitan ang mga kulisap at iba pang insekto, sa gintna ng mapayapang gabing ito ay may nangyayaring kaguluhan.....sa isang bakanteng lote na dating isang shipyard na ngayon ah abandonado na.

Nasusunog at unti-unting nagiging abo na.
Ayan ang kalagayan ng katawan ni ulrik ngayon, walang buhay at malapit na bumalik sa pagiging alikabok na kanyang pinangalingan.

Sa paligid ay naroroon ang ilan sa kanyang mga alagad, walang pake sa kasalukuyang nangyayari sa kanilang prinsipe.

Nakabaon pa din sa lupa ang magkakambal ay nahiwagaan sila sa kaganapan at sa kung bakit wala man lamang nagtangkang lumapit sa nasusunog na katawan ng kanilang panginoon, hindi dahil sa takot sila na madamay sa pagliliyab nito ngunit talagang sadyang wala silang pake alam.

"O..oi, hindi ba kayo kikilos?, Yung boss niyo matutupok na ng ap-"

"Yllis! Ano ka ba!, Hindi nga nila napansin e sinabi mo pa!"
Biglng wika ni prim sa kanyang kuya na kasalukuyang nagtataka sa nangyayari sa kanyang kapaligiran.

"Matutupok?, Hahahaha"
Wika ng isa sa mga aninong aswang sabay halakhak.

"Sa tingin mo ay magagapi ng ganun ganun na lamang si prinsipe ulrik?"
Dagdag pa ng isa na aninong aswang.

"Anong ibig niyong sabihin?"
Naiwika ni yllis at muli napatingin sa bangkay ng prinsipe at nakitang naroroon pa din at patuloy sa pagliyab.

"Si prinsipe ulrik ang tinaguriang pinaka matalino at pinakamagaling na naging tagapayo ng aming mahal na hari, sa tingin mo ay hindi niya napagplanohan ang lahat ng ito?...ar..aray"
Wika ng isa pang bangungot habang dahan dahang tumatayo at inaayos ang nabali niyang braso na binali ni prim kanina.

"Well hindi niya napagplanuhan nung binali ko yang buto mo"
Wika ni prim sa kanyang sarili at nadinig naman niyon ng aswang na kanyang binalian kanina.

"Ano kamo!"
Naiinis na wika ng aswang kay prim.

"Ihinto niyo na yan...."
Isang pamilyar na boses ang nadinig ng lahat sa kanilang likoran.

Nakabaon sa lupa at nakatakip ang bunganga ay natulala si maia sa kanyang nakita.

Si prinsipe ulrik ay kasalukuyang nakatayo katabi ng aswang na bangungot.

"Hindi, paano?"
Nawika ni yllis at nang tuningin muli siya sa kinalalagyan ng nasusunog na bangkay ay wala na ito doon.

Hindi nagsalita ay naglakad na lamang si ulrik papalapit sa kasalukuyang walang malay na si jonathan.

"Natangal ko na ang sagabal na si yfhana, kontrolado ko na si elyhenia...at ngayon..ikaw..hindi muna kita ililigpit, baka maari kitang pag experimentohan para malaman ang iyong sekreto"
Wika ni ulrik sa sarili habang nakangiting naka titig sa walang malay na binata

Mula sa lugar kung saan walang malay nakahiga si jonathan ay may lumabas na mga ugat ng puno na pumalupot sa kanyang buong katawan, pinaluputan din nito ang kanyang bunganga at siniguradong hindi na ito makakagalaw pa tulad ng nagawa niya kanina.

Sumenyas si ulrik sa isa sa mga aswang na anino na buhatin ang walang malay na binata.

"MmFHhUu!!MhHfUuu!!"
Nakatitig lamang sa nangyayari ay kasalukuyang pinipilit pumiglas ni maia, kitang kita sa kanyang mga mata ang diterminasyon kahit na wala nang pagaasa pang maabot sa kanyang kapaligiran ay sinusubukan niya pa din maghanap ng maaring magsilbing pagasawa sa sitwayon niya.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon