Ang Unang Ingkwentro pt.1

544 24 0
                                    

5:48AM.

"Uhhg?, napa rami ata ang nainom ko ng lambanog kagabi"
wika ni lee habang pagewang gewang na naglalakad sa damuhan.

Mamula mula ang kanyang mukha at tila ba parang wala pa sa sarili, magulo ang kanyang buhok na parang dinaanan ng bagyo.

"Uhg?,..gusto ko na umuwi at matulog sa apartment ko kung saan komportable, gusto ko din maligo~ at alisin tong mga pawis sa aking katawan"
Pagewang gewang na naglalakad si lee habang pilit hinahanap ang tamang daan.

".....ang sama ng pakiramdam ko talaga.."
Wika niya na tila ba masusuka pa.

Patuloy siya sa paglalakad ng bigla na lang may dalawang tao na nagtatago sa di kalayuan ang dahan dahang lumabas sa tinataguan nilang puno at nagpakita kay lee.

Nagbibigay sila ng datingan na nakaiba, at ganun din ang kanilang kasuotan na tila ba naka uniporme, hindi sila mukang mamamayan sa lugar kundi muka silang dayo

Nang makita ang dalawa ay agad naningkit ang mata ni lee dahil may naramdaman siyang kakaiba, tila ba pakiramdam ng panganib ang naramdaman niya sa paligid ay agad ihinanda ni lee ang kanyang sarili sa maaring mangyari.

"You're drunk early in the morning, tignan mo to sir oh"
wika ng isang babae sa kanyang kasamang lalaki ng makita ang kalagayan ni lee.

Isang babae at isang lalaki ang kasalukuyang nasa harapan ni lee, maikli ang buhok ng babae na pwedeng mapagkamalang lalaki pag sa malayuan titignan.

"Hmm, dont let your guard down, may nararamdaman ako, hindi siya pang karaniwan tulad ng mga ginapi natin kanina"
wika ng lalaki habang nakatingin kay lee.

Malayo pa ang dalawa kaya hindi narinig ni lee ang kanilang pinag uusapan, ngunit habang palapit ng palapit ang tatlo sa isat isa ay lalong bumibigat ang tensyon sa kanila kahit wala pa mang nangyayaring kumprantasyon.

"sino kayo maari ko ba malaman ang pangalan niyong dalawa?"
tipid na wika ni lee sa dalawa at pinagmasdan niya ang mga estranghero ng mag krus ang landas nilang tatlo.

Isang babae na nasa edad 26-30, maikli ang buhok, naka formal ang suot na tila ba uniporme ng sundalo ngunit iba ang itsura,sa kanyang kaliwang braso ay may naka pulupot na tela na may pilak na kulay at may tila ba naka ukit na hugis.

Isang lalaki na may matipunong katawan, nasa edad 40-45 siya matangkad , naka suot lamang ng puting T-shirt at may sout na kwintas na kung titignan ay gawa sa ginto, may naka ukit na simbolo ang kwinyas.

"Hmmp!, bakit pa namin ipapakilala ang sarili namin sayo eh mamamatay ka rin lang ngayon"
aroganteng wika ng babae kay lee.

"ako si Eric at siya si diana, mga mangangaso kami"
Pagpapakilala ng lalaki kay lee.

Umihip ang hangin ng umaga sa paligid, tila ba pilit pinapalamig ang kasalukuyang mainit na titigan ng mga nilalang sa kasalukuyang nangyayari.

Nagpakilalang mangangaso ang dalawa sa harap ng isang aswang.

" mangangaso?"
Huminga ng malalim si lee at napahawak sa kanyang ulo na ipinagtaka naman ng dalawa sa kanyang harapan.

"napasobra ata ang inom ko ah, paano magkakaroon ng mangangaso dito?"
Wika ni lee at muli siya tumingin sa dalawa.

"ipagpalagay natin na hindi kayo gawa ng spirito ng alchohol na nainom ko kagabi"

"Ang dami mong satsat aswang humanda k-"

"Teka lang diana, pakingan muna natin siya"

Nagpatuloy si lee na tila ba nasusuka.

"Uhggg,...tahimik na namumuhay ang mga aswang sa lugar na ito, wala pa silang nagagawang kasalanan sa mga tao magmula nung lumagi sila sa teritoryong ito na pagmamay ari ng silangang angkan"

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now