Ang Unang Ingkwentro pt.3

510 25 1
                                    

Patuloy ako sa pagtakbo kahit hindi ko alam kung saan ako papunta.

Basta takbo lang ako ng takbo habang hinihiling na magbunga ang aking ginagawa.

Wala mang matinong matatapakan at kahit ilang beses na akong muntikang madapa dahil sa mabato at bakukong daan ay nagpatuloy ako.

"Lena!"

"Lena!"

Bawat pagbangit ko ng kanyang pangalan ay ang pagsulpot ng kanyang imahe sa aking isipan.

Kailangan ko siya hanapin!.

Patuloy ako sa pagtakbo ng bigla ako mapahinto sa aking nakita.

Mga katawang nakahandusay sa damuhan.

Mga aswang na wala ng buhay, kung titignan ay tila ba walang awa silang pinatay ng walang kalaban laban.

Agad akong napadapa sa aking nakita at nagsuka dahil sa tindi ng pinaghalo halong emosyon na aking naramdaman.

Hindi ito....hindi ito....

Bumilis ang tibok ng aking puso ng maisip ko na baka isa na si lena sa mga bangkay sa aking harapan.

Pinilit tumayo ay hinigpitan ko ang aking sikmura para hindi masuka.

"H..hindi..."

Naglakad ako ng dahan dahan at pinagmasdan ang paligid.

Mukang isa itong lugar kung saan naninirahan ang maliit na grupo ng mga aswang na nasasakupan ni elena, may mga kabahayan sa paligid at iba pang mga istraktura.

Ka awa awa ang kasalukuyang tagpo ngunit tila ba ayaw huminto ng aking paa sa paglalakad.

Kasalukuyan akong naglalakad habang nanginginig sa takot.

Sa takot na hindi ko alam kung ano at bakit.


Sa aking kanan ay may musmos na nakabulagta,mukang hindi na siya humihinga at wala ng buhay.

Sa aking kanan ay isang matandang babae, hindi ko masikmura ang nangyari sa kanya kaya hindi ko na siya tinignan pa at nagpatuloy nalang maglakad ng nakapikit.

lena...

wag naman sana..

Na saan ka na?

Takot ako na makita si lena na isa na sa mga nilalang na nakikita ko  ngayon.

Wag naman sana.

wag naman.

Ako ang may kasalanan kapag napahamak siya.

"B..bba..ta~"
isang boses ng isang naghihingalo ang aking narinig.

Kahit natatakot at dahan dahan ko dinungaw ang pinangalingan ng boses.

Tumambad sa aking likoran ang isang lalaki na tila ba nakapako sa puno ng akasya.

Gamit ang matatalim na kahoy na nakasaksak sa kanyang mga kamay at paa ay tila ba isa siyang laroan na pinaglaroan ng isang bata.

"is..isa ka..sa...mga..k..kaibigan..n...ng ..prin..se..sa...diba?..,"
tanong niya sa akin.

Nang malaman ko na isa siya sa mga alagad ni elena ay agad ko siya nilapitan.

Kahit nandidiri sa lagay niya ay sinubukan ko bunutin ang kahoy na nakabaon sa kanyang kaliwang kamay.

"w..wag..n..na, ako tulungan.......t...tu..mmak..as..ka..na...la..ng..,..a..yun..a..ang..u..tos..ng..p..prinse..sa"
wika ng aswang sa akin, lalo pa bumilis ang kanyang paghinga  senyales na malapit na siya.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now