Sa loob ng kanyang munting mundo

756 20 2
                                    

nan nan nan nan naaaan~

nananan nan nan nan naaaan~

nan nan nan nan nan,
nannan nan nanan!

(Jonathan Singing Jingle bells )

NOVEMBER 30

Labinlimang araw na lang christmas vacation na.

15 days! before bakasyon!.

Malapit na rin pala magbagong taon ah...right around the corner nalang HmmMmm..

Tahimik akong nakahiga sa aking kama habang nakikinig ng christmas songs na tumutogtug sa aking FM radio.

Oo, sa edad ko at panahong ngayon ay nakikinig pa ako sa radyo.

Bukas ay december 1 na

hah..

Maaga ako nagising.

Habang naka higa ay nakarinig ako ng pagkatok sa front door ng apartment.

Tumingin ako sa wallclock na nakasabit sa aking kanan at inalam ang oras.

"5:31AM palang ah!, sino namang tao ang bibisita sa akin ng ganitong oras?"

Narinig kong lalong lumakas ang pagkatok sa pinto.

Haaa..Oo na oo na papunta na.

Inalis ko ang earphone sa aking tenga at dahan dahang tumayo sa aking higaan at saka naglakad papunta sa front door ng apartment.

Sino naman tong isang to?, masyado namang maaga, kung eto yung mga tao na nagpro promote ng kanilang religion.

ay ewan ko lang!.

Hahaha, baka naisipan nalang nilang agahan ang kanilang ginagawa para hindi masapawan ng iba pang katulad nila.

heheh....

Matapos mahawakan ang doorknob ay dahan dahan ko na binuksan ang pintuan at nalaman ko na hindi naman pala tao ang kasalukuyang kumakatok.

Pagkabukas ko ng pinto ay agad tumigil ang pagkatok, ang lalo ko namang ipinagtaka ay walang tao sa aking harapan na dapat ay meron.

Inilabas ko ang aking ulo at sumilip silip para alamin kung may tao sa gilid ngunit wala din ako nakita.

Nanahimik ako at napa isip.

A..anong nangyari?.

Tulog pa ba ako?.

Nananaginip ba ako ng gising?.

Dahan dahan ko isinara ang pinto at nang pagtalikod ko ay bigla akong nagulat.

Isang babae na nasa edad 13-14 and kasalukuyang nasa aking harapan.

twin tail ang kanyang buhok na sa tingin ko ay shoulder level lamang kapag hindi naka ayos at nakabagsak, may pagka maliit siya at ayon sa aking nakikita ay na sa bandang balikat ko ang kanyang height.

Matalim ang tingin niya ngunit ka aya aya ang kanyang itsura na parang pamilyar sa akin. maputi siya na tila ba hindi isang filipina ngunit filipina ang kanyang panlabas na anyo.

Si...sino siya?.

Teka nananaginip pa ba ako?.

"h..hello?"
hindi alam ang sasabihin ay kinamusta ko nalang ang babae.

Ngumiti siya at dahan dahan lumapit sa akin.

Ok!, Ok!, this is weird!.

Umpisa pa lang ng december, binigyan na ako ng kalokohan agad!.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon