Extra Chapter - Ang bagay na binigay mo sa akin

545 17 4
                                    

Sa mundo ng panaginip ay kasalukuyang nag k-kwentohan ang dalawang nilalang na magkaiba ang uri.

isang tao at isang halimaw..ngunit kahit ganun na nga ay hindi ito hadlang para sila ay masayang makapag usap.

"rhodney anong iniisip mo?"
wika ni reona habang naka upo sa ibabaw ng mga ginintuang damuhan sa kanilang paligid.

"Hmm?, yung gagawin kong ending sa bago kong kwento.., gusto mo marinig?"
wika naman ni rhodney ng may galak.

" hehehehe, sige sige, tungkol saan ba?"
wika ni reona na may interest sa kanyang mga mata.

" tungkol sa kaiklian ng buhay ng isang tao.."
nakangiting wika ni rhodney ngunit sumimangot naman si reona.

"rhondey..malungkot ba iyan..?"

"Hmm...masaya ito...reona"
nakangiting wika ni rhodney.

Nanatiling tahimik si reona habang nagdadalawang isip sa kanyang magiging tugon ukol sa sinabi ni rhodney
"ano sisimulan ko na?"
pahabol niya at tumango na lamang si reona.

**** ******** ***********

Itim at pula Specials

Ang mga bagay na binigay mo sa akin .

++++++++ ++++++++++ +++++++++++++

Ano ang rason kung bakit may wakas o limitasyon ang buhay ng isang tao?.

Ayun ay para gamitin niya ng husto ang kanyang buhay para kapag dumating na ang kanyang oras ay walang siyang pagsisisihan.

Claire M. Corazon
Born - july 18, 1996
Died - july 18, 2021
Age: 25

Isang babae na namatay habang may ngiti sa kanyang labi.

Isang babaeng namatay na kuntento sa kanyang naging buhay.

Naka imprinta ang nakangiting niyang mukha sa kanyang litrato sa ibabaw ng kanyang altar, isang matamis na ngiti, ngiti ng isang taong naging masaya sa kanyang buhay kahit naging maikli man ito.

**** ************************

"sir miles!"

"sir miles~"

" yohoo~ sir miles !"

" good morning sir miles!"

" good afternoon, kumain kana sir miles?"

" sir miles ingat ka sa daan ah, wag ka mag papa-rape charot!.."

" sir miles~"

Haaa...kailan ba magtatapos ang ganitong buhay.

Mike Miranda ang aking pangalan at isa akong guidance councilor sa isang malaking paaralan na nagngangalang St.Judas Academy, graduate ako ng bs phsychology at passer ng board.

Miles ang binigay na nickname sa akin ng mga school staffs sa aking pinagtatrabahuhan na hindi ko naman alam kung bakit.

Napili ko magtrabaho sa isang pampublikong highschool dahil masaya dito at bukod pa doon ay hitik na hitik ang lugar na ito sa mga impormasyon na aking kailangan at mga refference na maari ko gamitin sa aking totoong pangarap.

Actualy hindi ko naman talaga pangarap maging school staff, ang aking pangarap ay maging isang manunulat, pre-text lamang ang pagkuha ko ng aking kurso dahil mukang magagamit ko naman ito sa aking pangarap, ngunit tao lang naman tayo at kailangan mag trabaho para makakain kaya ginamit ko na din ang aking natapos at ayon ang rason kung bakit ako nandito ngayon bilang isang councilor.

hindi ko masasabi na succesfull na ako sa buhay, well may trabaho na ako at respetado pa, ngunit hindi ko pa natutupad ang aking pangarap.

..ang maging isang author.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now