Maia at Elyhenia

2.2K 48 5
                                    

Panaginip lang to panaginip lang to!,magigising rin ako maya maya.

Panaginip lang to, mananangal,taong ibon at aswang kalokohan lahat.

Nakatulala ako ng may bigla akong naramdamang malakas na tapik sa aking balikat.

"hoy, , kung nakakalipad ka, magpalit ka na ng anyo at umalis ka na dito"
wika ni elena habang nakatayo sa aking harapan.

"ha?"

ano daw?..

ako nakakalipad?.

"tsk!...hoy hindi ka ba nakikinig?!"

Maya maya pa ay may namataan kaming mga anino ng tao na naglalakad sa aming harapan.

Nang makalapit ay nalaman naming pawang mga kalalakihan sila at kung titignan ng husto ay mga edad 30-35 silang tatlo.

"tsck!, mga mabababang uri ng tiktik"
wika ni elena.

hah?...mabababang uri? ng tiktik..ano yun?.

[[ tiktik- halimaw na pwedeng mag anyong tao at pwedeng anyong hayop, isang nilalang na kayang pahabain ang sariling dila ng ilang metro.]]

"hoy!, jonathan, wag mong sabihing ikaw ang pinuno nila?"

"ah!, hindi"
bigla akong napa iling.

bakit ako!.

Tinignan ko ang isa sa mga kalalakihang kasalukuyang nakatayo sa aming harapan at bigla akong tinaasan ng balahibo.

"Hiiii!!"

Isang lalaking hindi ko malaman kung balot sa putik o sadyang maitim talaga.

Mala mata ng pusa ang kanyang mga mata at naglalaway ang kanyang bunganga na para bang asong may rabis.

"hoyyy~ babae, ikaw ba ang pumutol ng aking dila?"
wika ng isa sa kanila.

"KalmA lang!, Huwag mo siya gagalusan, magagamit natin ang katawan niya"
wika ng isa pang tiktik habang nakatingin ng malagkit sa hubad na katawan ni elena.

Sumipol ang isa sa mga halimaw na nasa aming harapan.

"hmmm,unahin na nating patayin ang kasama niyang lalaki, mukang mahinang halimaw ang isang iyon"
wika pa ng isa.

halimaw? ako??.

teka oo mahina ako pero hindi ako halimaw

"Tsck! Hampaslupa! Gusto niyo bang ibuhol ko yang mga dila niyo sa leeg niyo! Ha! ,"
Galit na wika ni elena sabay dirty finger sa tatlo.

Napanganga ako sa aking nakita at sa kanyang ginawa.

"wala akong pake-alam sa lalaking eto , pero alang alang sa pangalan ng aming angkan hindi ko kayo mapapatawad sa pambabastos sa akin!,hindi niyo ba alam na ako ang susunod na pinuno ng angkang silangan!"
wika ni elena sabay sugod sa tatlong mga kalalakihan.

Hindi ako sigurado sa kanyang sinasabi ngunit kitang kita ko kung gaano kataas ang kanyang pride.

Napanganga ako habang pinapanood ko ang mga nangyayari.

Hindi ako makagalaw sa takot,lito,kaba at iba pang hindi ko maintindihang emosyon.

Pagkalapit ni elena sa tatlo ay agad siyang nag anyong pusa na kasing laki ng leon at sinungaban ang isa sa mga lalaki.

Itim na leon....

Agad niya etong kinalmot at kitang kita ng dalawang mata ko kung paano mahati at mahiwalay ang braso ng isa sa mga tiktik na kanyang kinalmot.

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon