Ang Unang Ingkwentro pt.2

510 20 0
                                    


************

4:23 AM

" Hmmm, hindi ako.... magsasawa sa tanawin ng madaling araw.."

Kasalukuyang naka upo si elena sa kahoy na sahig ng tinutuluyan nila habang nakatingin sa mangitim ngitim ngunit malapit nang magliwanag na kalangitan.

Malamig ang hangin sa paligid kaya kasalukuyang may dala dala pang kumot si elena na nakabalot sa kanyang katawan.

" haaa....relaxing..."
wika ni elena sabay pikit habang ninamnam ang malamig na at sariwang athmosphere sa paligid.

"Ngee!, "
Naudlot ang kanyang ginagawa ng may magsalita sa kanyang likoran.

"Haa...relaxing over, dumating na yung stress!"
Dahan dahan siya tumayo at tumingin sa lalaking nang istorbo sa kanya.

"male fiore, ... sa dami pa ng una kong makikita sa umaga bakit ikaw pa"

"haha good morning din elena, akala ko lumpia ka"
biro ni amaryllis kay elena.

Kumunot ang ulo ni elena at dahan dahan niya inalis ang kumot na nakabalot sa kanya.

Para nga siyang lumpia.

"gusto mo na mamatay? ha?"

" Ayaw ko off course,..teka umagang umaga bad trip ka nanaman, may period ka ba?"
biro ni yllis ngunit hindi pinansin ni elena ang imature na biro ng nurse.

Naglakad siya papasok sa bahay ng hindi nag re-react  ngunit bago siya tuluyan pumasok ay kina usap niya uli si yllis.

"since tayo pa lamang ang gising, pag timplahan mo nga ako ng cHa'a"

Tumalikod si amaryllis at tumingin kay elena.

"cha'a?, saan?, may dala ka bang cha'a?"

"wala!, mag hanap ka ng ligaw na halamang cha'a sa labas at ayun ang itimpla mo!, sa tingin ko ay meron silang  taniman ng cha'a isang kilometro ang layo dito, bilis mag jogging ka!"
utos ni elena bago tuluyang pumasok sa pinto.

Matapos pumasok ay dahan dahan sumara ang pinto at nakarinig si yllis ng pagkandado ng pinto na nangaling sa loob.

"E..eh?, ni lock niya?"

Napa kanut ng ulo ang nasaraduhang nurse.

" haa...malamang constipated yung isang yun kaya masama ang kanyang mood "
Naiwang nagkakamot ng ulo si yllis sa labas ng malamig na kapaligiran.

Muli nanumbalik si elena sa kanyang tinulugan kagabi at muling nahiga.

Matapos ipikit ni elena ang kanyang mga mata at nakatulog muli siya, panandalian niyang napanaginipan ang isang tagpo noong bata pa lamang siya.

********

' tito tito, pagtanda ko magiging mahusay akong pinuno tulad ni papa, at magiging wais mag desisyon katulad niyo'
wika ng limang taong gulang na si elyhenia.

' aba elyhenia, maganda ang pangarap mo '

' tito tito'

'hmm?, ano yun ely?'

'turuan niyo po ako maging matalino katulad niyo, alam ko na kayo ang nag dedesisyon pagdating sa pamumuno , palagi ko nakikitang nag uusap kayo ni papa at palagi siya nagtatanong sa inyo kapag hindi niya alam ang gagawin '

'hah? , ga..ganun? Nakikita mo kami..'

'hehehehe, idolo ko po kayo, gusto ko po maging tulad niyo balang araw '

ITIM AT PULA [ ON HOLD]Where stories live. Discover now